Skip to content

DEREK RAMSAY tinawag na bading si SAM MILBY?

May 17, 2013

sam derekSinisiraan daw sa bagong babaeng nililigawan para maka-score

Nu’ng isang gabi ay napag-usapan namin ni Papa Ahwel Paz sa “Mismo” program namin sa DZMM ang balitang tinawag daw na “gay” ni Derek Ramsay ang anak-anakan nating si Sam Milby.

May nakapagkuwento kasi sa amin na meron daw ine-etching na young actress-singer itong si Derek at ang girl daw na ito ay super close din kay Sam Milby.

Hindi maganda ang natanggap naming ulat tungkol sa mga pinagsasasabi raw ni Derek against Sam kaya medyo nag-init ang ulo namin.

Na-insecure raw yata itong si Derek kay Sam dahil mas close yung girl sa huli.

Kaya sinabihan diumano ni Derek yung girl ng, “Why Sam? He is gay.”
Natural, nagpanting ang tenga ko kaya pinag-usapan namin ito ni Papa Ahwel sa radio program namin.

Sabi namin, parang hindi kami makapaniwalang capable si Derek na manira ng kapwa nang dahil lamang sa isang babaeng pinopormahan.

Parang wala sa personality niya ang pagiging tactless at manira ng kanyang kapwa para lang maitaas ang kanyang sarili.

Pero hindi eh, very reliable naman ang source namin kaya nanawagan kami na kung nakikinig si Derek that time ay puwede niyang linawin ang isyung ito, pwede niyang ipaliwanag kung ano ba talaga ang totoo sa isyung ito.

Maya-maya lang ay nag-ring ang phone ko habang ako’y naka-board sa radio.

Hindi ko ito masagot dahil on air nga kami. Then after a few minutes, I received a text message – si Derek Ramsay pala iyon.

Ini-explain niya sa kanyang text message na hindi raw totoo ang balitang iyon.

That he didn’t call Sam as such dahil very close daw sila. We tried to put him on air but to no avail.

“Medyo apprehensive daw siya kasi taga-TV5 siya at ang DZMM ay ABS-CBN,” anang staff namin na nakausap niya sa phone.

Bakit? Simple lang naman ang nais namin eh, to put him sana on air para ma-clear niya ang isyu.

Mas maganda nga yung mismong sa bibig niya manggaling ang denial, di ba?

At live para hindi ma-edit kung ano ang sasabihin niya.

Wala naman siyang dapat ipangamba kung hindi siya guilty of anything, right?

Kahit saang istasyon pa iyan, wala siyang dapat ikakaba dahil alangan namang bastusin namin siya on air.

After ng program, I called him back.

He told me na tinawagan na niya sina Sam at ang tinutukoy naming girl (hindi ko naman pinangalanan ang singer-actress sa show pero agad niyang tinawagan) para linawin daw ang isyu.

Nag-deny daw ang girl na sinabihan siya ni Derek na gay si Sam. I told him, I will call my source again para magkalinawan.

“Kung hindi siya guilty, bakit niya tinawagan agad sina Sam at yung girl? That’s it!” anang source ko.

Well, simple lang naman ang batas natin sa buhay, pag sinabi mo ang isang bagay, for whatever it’s worth, panindigan mo.

Have the balls, OK? Ayokong may tamaan ng kidlat sa aming dalawa ni Derek.

Alam n’yo naman ako, pag si Sam Milby na at ibang anak-anakan ko ang involved, masyado akong emotional.

Okay lang sana kung totoo ang isyu mo about them, pero para lamang makaisa at bumango ang image mo – huwag.

Talagang huwag naman dahil ipaglalaban ko ang aking mga anak-anakan sa mga taong nananakit sa kanila lalo na kapag alam kong naaagrabyado na sila.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: