Skip to content

JODI kay SIR CHIEF : Chenes! Hindi ko siya kaya talaga!

May 15, 2013

jodi richard yapKahit halos isang taon nang umeere ang Be Careful With My Heart sa ABS-CBN, hindi pa rin ito natitinag sa pagiging number one sa ratings game.

Kaya nga super inspired ang magka-loveteam na sina Jodi Sta. Maria at Richard Yap nang lumipat sila patungong Amerika at Canada para sa series of concerts nila doon kasama ang ilan pang members ng cast.

Sa isang panayam kay Jodi sinabi nitong, “Well ako siyempre natutuwa ako dahil sa mga nangyayari sa show ‘di ba?

Kahit papaano ‘di ba we are thankful na patuloy ang suporta sa amin ng mga manonood namin.”

Sabi naman ni Sir Chief, “Of course we are very happy kasi it’s a blessing sa amin.

Pero we also want to share that blessing sa mga nanonood so hopefully we can inspire them also to be more than what they are.”

Aminado ang dalawang bida ng serye na nagkakailangan pa rin sila sa ilang intimate scenes na ginagawa nila bilang sina Sir Chief at Maya, “Minsan. Pero yung mga firsts namin medyo siyempre naiilang kami kasi parang ano, parang yung mga mag-boyfriend, ganun ‘di ba?”

Nu’ng una nga raw silang mag-holding hands sa isang eksena ay natatawa pa sila, sey ni Richard, “The first time we did it, ano rin kami medyo naiilang na parang paano ba namin gagawin ito.”

Kuwento naman ni Jodi, “Kasi sanay lang kami na lagi lang kami nag-uusap.

Kumbaga ngayon medyo physical na si Ser Chief at si Maya so may mga hawakan na ng kamay ganyan.

Kasi nu’ng first time na nag-holding hands tayo sabi ko, ‘Chenes hindi ko ito kaya.’ Parang nakakakilig kasi! Ha-hahaha!”

Sa tanong kung kailan ba sila magkakaroon ng matinding kissing scene, “Hindi pa natin alam, dinedevelop pa lang kami sa story so it will come sooner or later.”

Tungkol naman sa kontrobersiyal na diamond ring na ipinost ni Jodi sa kanyang Instagram account, muli niyang nilinaw na hindi ito engagement ring na sinasabing galing nga sa kanyang boyfriend na si Jolo Revilla.

Singit nga ni Sir Chief, “Actually binili ko sa SM yun binigay ko sa kanya.” Hirit naman ni Jodi, “Galing talaga kay Ser Chief yun para kay Maya.”

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: