Skip to content

ERAP wagi pa rin sa MAYNILA kahit ‘PINATAY’ sa TEXT MESSAGE

May 15, 2013

erap estradaHatinggabi pa lang nu’ng Lunes ay nagbubunyi na ang kampo ni dating Pangulong Joseph Estrada na ngayon ay tatawagin nang Mayor Erap Estrada ng kanyang mga nasasakupan sa lunsod ng Maynila.

Malaki na ang kalamangan ng kanyang boto laban kay dating Mayor Lim, pero ayaw pang umamin ng kampo nito na siya na nga ang nanalo, pero hindi maging hadlang ‘yun para maaga nang magbunyi ang kampo ng dating pangulo na mayor na ngayon ng Maynila.

Linggo nang gabi, nasa Nueva Ecija kami, ay kinailangan naming makipagtulungan kina Colonel Jude Estrada at Jackie Ejercito Lopez para salagin ang mga pinalulutang na kuwento ng kabilang kampo sa pamamagitan ng text brigade.

Grabe ‘yun, kesyo nu’ng gabi raw na ‘yun ay umurong na sa laban si Pangulong Erap, kesyo nararamdaman daw kasi ng dating presidente na wala siyang kalaban-laban kaya kesa sa tambakan ay umurong na lang siya sa labanan.

Ganu’n karumi ang mga taktikang kinailangang harangan ng pamilya Ejercito, baka nga naman kasi maniwala ang mga Manilenyo na may katotohanan ‘yun, kumilos nang isahan ang kampo ni Pangulong Estrada.Lunes nang hapon ay nakakakita na sila ng liwanag, nu’ng nag-aagaw-dilim na ay mas kuminang ang pag-asang may bagong mayor na ang lunsod ng Maynila, kinahatinggabihan ay meron nang pagbubunyi sa kampo ng dating pangulo.

Nakatutok sa Maynila ang atensiyon ng publiko, kasi nga ay naging mainit ang kampanya sa siyudad, matitinding akusasyon ang inabot ng Pangulong Estrada nu’n na sinagot niya naman nang isa-isa kaya hindi rin naging matagumpay ang paninira ng kanyang mga katunggali.

May bago na ngang mayor ang Maynila, maligayang bati sa isang itinuturing nang haligi ng industriya ng pelikulang Pilipino, maligayang bati kay Mayor Joseph Ejercito Estrada!

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: