Skip to content

SARAH wala nang reklamo kahit pagbawalan ni MOMMY DIVINE na magka-boyfriend muli

May 14, 2013

sarah geronimo‘Nagpapasalamat pa ako at  naging sobrang higpit niya sa akin!’

TANGGAP na ni Sarah Geronimo ang katotohanan na laging nandiyan at nakabantay lang (na parang bodyguard) ang nanay niyang si Mommy Divine para paghigpitan siya para na rin sa kanyang kapakanan.

Mukhang nasanay na rin ang Pop Princess sa mala-doberman na pagbabantay sa kanya ng kanyang ina, at mukhang tanggap na rin niya na mahihirapan talaga siyang humanap na bagong boyfriend ngayon dahil mas tumindi pa raw ang pagpoprotekta sa kanya ni Mommy Divine.

Noong Mother’s Day, good health ang tanging wish ni Sarah para sa kanyang nanay, “Good health marami pa akong pangarap sa pamilya naming para din sa sarili ko.

Kung ano yung meron ako ngayon, sa singing career ko, gusto ko naman maging proud siya dahil anak niya ako.

Hindi yung si Sarah Geronimo na artista, singer, concert performer,” sabi ni Sarah sa interview ng The Buzz noong Linggo.Ayon pa sa singer-actress, kung noon daw ay talagang kinukuwestiyon niya ang paghihigpit ng ina, ngayon daw ay naiintindihan na niya ito matapos ngang mabigo ng dalawang beses as pag-ibig.

“There was a time na parang confused ka rin.

So parang sana, malagpasan ko na yung stage na yun.

Yung naiisip mo sobra ba silang protective, ano ba ang dahilan, bakit ganito, bawal yung ganito, bawal yung ganyan-ganyan, pero as I age, as I experience things, as I experience pain, naiintindihan ko kung bakit ganu’n siya.

“At nagpapasalamat ako ng sobra-sobra, na ganu’n siya ka-protective.

May nakita pa kong ibang mothers na mas istrikto pero si Mommy hindi, sobra niya lang kami talagang mahal,” chika pa ni Sarah.

Matapos ang super successful na pelikula nila ni John Lloyd Cruz na “It Takes A Man And A Woman”, busy naman ngayon si Sarah sa tuluy-tuloy na taping ng The Voice of the Philippines, “Itong pagiging coach ko sa The Voice is a big challenge for me kasi kumbaga di na ako ito eh, di ko na to storya, di ko na to boses, boses na to ng mga tao na nangangarap so in charge ka sa victory nila eh.

Ang masakit nu’n, siyempre may Battle Rounds na, kailangan na mag-eliminate sa team ko. Masakit.”

Para sa kanya, “passion” ang isa sa mga susi para manalo sa The Voice, “Di lang po sa kanta.

Iba rin kasi yung magaling ka lang kumanta vocally, technically. Pero kapag wala kang passion, wala.”

Aminado rin ang singer-actress na talagang nilalabanan niya ang sobra-sobrang kaba kapag kasama na niya sa taping bilang judges-coaches ng The Voice ang mga music icon na sina Bamboo, Apl.de.Ap at Leah Salonga.

“Maganda po yung rapport namin, yung working relationship namin.

Actually nakakaintimidate po talaga, tuwing taping day namin nilalabanan ko talaga yung intimidation.

Pero nilalakasan ko na lang po yung loob ko.”

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: