Skip to content

MARJORIE sa mga anak: Wag n’yo nang gayahin ang mga pagkakamali ko!

May 14, 2013

marjorie barrettoKahit kailan daw ay hindi siya nagsinungaling

NAPANOOD namin ang interview ni Korina Sanchez sa mag-inang Marjorie at Julia Barretto sa Rated K noong Linggo ng gabi.

Dito nga sinagot ni Marjorie ang ilan sa mga kinasasangkutang iskandalo.

Unang inusisa kay Marjorie ang tungkol sa bangayan ng kanilang pamilya na nag-ugat nga sa hindi pagkakaintindihan nina Claudine at Gretchen, “It’s hard kasi mag-comment because…how do you fight with your mother? Right, di ba?

“It’s hard to comment even up to now.

But siguro mas pangit sa pananaw ng tao than what is really happening inside.

Pero ako, I don’t know if I am ready to talk about it yet.

Pero alam ko sa sarili ko alam ko ang katotohaan, I know who was telling the truth and that what matters,” sagot ni Marjorie.Tinanong din ni Korina sa dating aktres ang tungkol sa pagkakampihan ng ilan sa kanyang mga kapatid laban sa kanila ni Gretchen, kabilang na ang nanay nila, “Actually that wasn’t suppose to end up that way, siguro kong hindi involved yung media hindi na nagka split, e.

“Marami kami, pito kaming magkakapatid, hindi lang naman kami tatlo lang.

I know that in time, maybe someday, makikita namin ano ba talaga ang gusto namin ma-achieve as a family dito… ano ba gusto naming maayos dito.

But right now, I am enjoying the space,” pahayag ng actress-politician.

Ayon pa kay Marjorie, sinasabi raw niya sa kanyang mga anak ang lahat ng kailangan nilang malaman, hindi raw siya nagsisinungaling sa mga ito, “I tell my children everything.

I don’t keep anything from them whether its good or bad.

Basta alam nila lahat, they get the truth from me. That’s what’s important.”

Dagdag pa niya, “My life has been an open book to them—to my kids.

Like I said, I told them everything, so kung ano’ng mga pagkakamaling nagawa ko along the way, yun na lang ang huwag ninyong tularan.

“Yung mga nakikita mong magandang nagawa ko e, di sundan ninyo, yung mga nakita ninyong hindi tama huwag niyo na lang gayahin, they will be spared a lot of pain,” hirit pa ni Marjorie.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: