Skip to content

ENCHONG kay XIAN: Nag-usap kami, lalaki sa lalaki!

May 14, 2013

enchong deeNakiusap si Enchong Dee na sana’y tigilan ng kanilang mga detractors ang pang-iintriga sa kanila ni Xian Lim.

Ito’y matapos ngang magkainitan ang dalawang leading man sa Primetime Bida teleseryeng Ina Kapatid Anak ng ABS-CBN.

Kung matatandaan, umamin na si Xian na nagkaroon nga ng tensiyon sa taping ng kanilang serye kamakailan, pero agad naman daw itong naayos matapos silang mag-usap nang masinsinsan.

“More often than not, ang kuwento sa showbiz kung hindi nadadagdagan, nababawasan and for this case nasobrahan siya.

Ako, I can say, I can answer it with a straight face na okay kami, it was just blown out of proportion.

“Nag-usap kami pero walang sigawan.

Kaya sabi ko nga it’s just another case, another issue that was blown out of proportion that was totally added by a lot of word of mouth.“Wala ring tension kasi after naming mag-usap okay na ulit. Usapang lalake yun, tapos na.

“Almost two years na kaming working together and di puwedeng masira yun dahil lang sa isang maliit na bagay,” paliwanag ni Enchong.

Nakakaloka, di ba? Punumpuno ng kontrobersiyal ang Ina Kapatid Anak, pero at least, naayos agad ang away nina Xian at Echong dahil pinagharap sila agad ng mga taong nangangalaga sa kanilang career at nakapagpaliwanagan.

Hindi tulad ng kanilang mga leading lady sa nasabing serye na sina Kim Chiu at Maja Salvador na hanggang ngayon ay nag-iiwasan pa rin na parang may mga sakit na nakakahawa.

Pero in fairness ha, kahit na may mga ganitong kanegahang issue tungkol sa apat na bida ng Ina Kapatid Anak, hindi pa rin ito natitinag sa ratings game dahil tuloy pa rin ang pamamayagpag nito bilang isa sa mga number one primetime series ng Dos.

Ngayong linggo, tutukan ang mas madadramang tagpo sa Ina Kapatid Anak, alamin kung totoo ngang magkakabati na sina Margaux (Maja) at Celyn (Kim).

 

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: