Skip to content

Ang bilis kasi nilang manghusga, kesyo laos, mataba…huwag namang ganu’n! – JOEY REYES

May 14, 2013

sharon joeyIpinagtanggol si Sharon sa mga taong nanlalait at nang-aalipusta

Kahapon lumabas dito sa BANDERA ang pagkumpirma ni direk Joey Reyes sa gagawing teleserye ni Sharon Cuneta sa TV5.

Pero aniya, hindi raw kailangang magpapayat nang husto ni Sharon para sa nasabing proyekto.

Sabi ni direk Joey, kung bibigyan niya ng payo si Sharon na magbawas ng timbang, “For health. Iyan ang maganda.

Ano pa ba ang kailangang patunayan mo?” paliwanag ni direk na siyang gagawa ng script ng kauna-unahang serye ng Megastar.“If you are 40 years old, hindi mo na kailangang patunayan ang ganda mo, dahil the fact is tumagal ka ng 40 years old means, you know?

It’s for health reasons if ever I want her to lose weight, it’s for health reasons.

“Lalo na ako, health buff ako, ‘no?

Kaya nga gym ako nang gym, e. Ang more sa concern ko is sa kanyang health.

“Dahil alam naman natin na habang nagkakaedad ka, mas lalo mong kailangan pangalagaan ang iyong sarili at mas susceptible ka sa sakit kung overweight ka, e,” paliwanag pa ng direktor.

Challenge ba para kay direk Joey na makatrabaho si Sharon lalo na sa estado ng karera niya ngayon? “Mahal ko yun, mahal ko ‘yun, parang anak-anakan ko yun for decades, ‘no?

“And I think, kung mayroon mang dumarating na mga pagsubok o pag-iiba sa kanyang career, dapat ay tingnan bilang challenge, di ba?

Kasi, ang bilis manghusga ng napakaraming tao na ikondena siya na laos, mataba you know that sort of stuff?

“Nangyayari naman sa bawat fate ng bawa’t tao na nag-iiba ang estado mo, lalo na sa ating industriya.

Wala namang tao na namayagpag forever, hindi ba?

“Kailangan mag-iba ka, kailangan mag-evolve ka.

And I think, ang challenge na ito ay hindi lang para sa akin, kundi para kay  Sharon din na mag-evolve din.

At again, ilagay ang sarili niya sa merkado to be competitive in the market.

So, tamang-tama ang timpla nitong proyektong iniisip namin para sa kanya.

“Now, I hope, the challenge is pag nabasa niya ang isusulat ninyong ito, the challenge is hindi naman sa akin, e, kundi sa kanya.

Iyong sa kanya ay yung ma-challenge siya, na bumalik siya.

Si Sharon has to prove her worth, e.

Madali kasing husgahan siya dahil sa weight niya, dahil madaling humusga sa nakikita sa kanya.

“Now, iyong problema niya sa weight, siya lang makaka-solve nu’n, e,” pagpapatuloy pa ng direktor tungkol sa timbang ni Mega.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: