Skip to content

TONI, ALEX feeling superstar na, grabeng mag-inarte sa shooting

May 13, 2013

alex gonzagaSina Toni at Alex Gonzaga nga ba ang tinutukoy sa isang blind item na lumabas sa isang website na sobra-sobra raw ang kaartehan sa katawan?

The sisters were about to shoot daw a commercial.

Siyempre, they were informed about the location, kung anong oras ang call time at kung anu-anong damit ang dadalhin nila for the shoot.

Okay naman ang lahat kaya lang ay nawindang ang production staff when they were told by the sisters daw na hindi sila pupunta sa location hangga’t hindi naka-set up.

Ayaw yatang maghintay ng dalawa nang matagal sa commercial shoot nila kaya gusto nila ay pagkadating nila ay isu-shoot na nila kaagad ang kanilang mga eksena.

Naloka ang mga taga-production sa kakaibang request ng magkapatid. Imagine, astang superstar na talaga sila.

Nai-imagine na namin kung bakit palaging nega ang magkapatid na ito. Masyado kasi silang maarte at walang pakialam sa kanilang kapwa.

The sisters reminded us of a controversial sexy star na.

Hindi naman pareho ng senaryo ang dalawa, pero we think na mas masahol pa ang aktres na ito sa magkapatid.

The sexy star was shooting her first commercial for an alcoholic beverage.

One million pa noon ang kanyang talent fee.

Malaki na noon ang talent fee na ‘yon.

The first shooting day went smoothly.

Okay naman ang lahat ang the sexy star was very accommodating.

When the second day of shoot was scheduled ay okay pa rin sa sexy star.

Heto na. When the shooting day came ay nag-inarte ang sexy star.

Ayaw nitong pumunta sa commercial shoot niya.

Aalis lang daw siya ng bahay kapag naibigay sa kanya ng CASH ang 50 percent ng one million na kanyang talent fee.

Naloka ang ahenteng kumuha sa kanya for the commercial shoot.

Imagine, saan siya kukuha ng P500,000 cash.

Ito namang manager ng sexy star ay kunsintidora rin.

Pinanindigan niya ang request ng kanyang alaga.

Since naroroon na ang mga taga-production at malaking perwisyo kapag hindi natuloy ang shoot at nakiusap ang ahente na ipa-cash na lang ang kalahating milyong talent fee ng sexy actress.

Ayun, ang pobreng commercial agent ang mismong nag-encash ng pera at dinala sa bahay ng sexy actress.

Halos mamatay sa niyerbyos ang ahente dahil dala-dala niya ang kalahating milyong cash habang naka-taxi lang.

Dasal siya nang dasal na ‘wag sana siyang maholdap.

With that ay natuloy din ang commercial shoot ng sexy actress.

Ngayon ay nakahiga na sa salapi ang sexy star na ito at barya lang sa kanya ang isang milyon.

Actually, mas malaki pa rito ang halaga ng isa bag niya.

Ganoon na siya kayaman ngayon.

Da who ang sexy star? Naku, ask na lang natin ang kanyang equally controversial sister. Gets mo?

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: