Skip to content

KRIS: Ay, ayokong makialam, takot ako kay VICE! baka awayin din ako!

May 13, 2013

nacy binayWalang balak umepal sa isyu ng kanyang ‘asawa’ at ni Nancy Binay

NALUNGKOT si Kris Aquino sa sagutang Vice Ganda at Nancy Binay na pareho niyang kaibigan, kaya ang dasal niya sana raw ay magkaayos din ang mga ito.

Base sa interbyu ng Queen of All Media ay ayaw daw muna niyang magbigay ng komento.

“How sad.

Takot ako kay Vice, kaya ayoko na magsalita, baka ako naman ang awayin niya,” natawang sabi ng TV host-actress. “Alam mo kami ni Vice, may respetuhan.

I think the reason we’ve stayed this close for the past four years is because Vice respects my opinion, and I respect his opinion.

Kaming dalawa, we’ve stayed the best of friends dahil may tiwala kami sa isa’t isa at hindi kami nakikialam sa isa’t isa, sa mga gusto namin sa pulitika,” paliwanag pa ni Kris.

At wala rin daw planong maging peacemaker si Kris para sa dalawa, “Ay, wag na, kasi galit na sila ano, parang feeling ko kasi, they don’t have to be close,” diretsong sabi pa nito.

At kung hindi suportado ni Vice si Nancy Binay ay suportado naman niya si Kris kapag natuloy ang pagpasok nito sa pulitika, “Thank you kay Vice dahil sabi niya na pag ako ang tatakbo, 100% ang suporta niya, so sana pati yung pondo manggaling kay Vice. Ha-haha!”  sabi ng Kris TV at Pilipinas Got Talent host.

Samantala, kumpirmadong hindi na aarte si Kris sa harap ng kamera kaya wala na siya sa darating na Metro Manila Film Festival, pero hindi pa rin siya tuluyang makakalimutan ng showbiz dahil ang bunsong anak na si Bimby ay papasok na sa showbiz.

Sa Kris TV episode noong Biyernes ay inamin ng proud mama ni Bimby na mag-aartista na ang bagets, “Ngayon iri-reveal ko sa inyong lahat on Wednesday after the elections may ka-meeting po ako for what could possibly be Bimbs’ first movie for the Metro Manila Film Festival,” sabi ni Tetay.

“Excited ako about this project, noong tumawag pa lang sila, ‘basta bida anak ko ha,’” sabi raw sa kausap. “Winarningan ko na sila na habang nagshu-shooting si Bimb hindi ako magta-trabaho, magbabantay lang ako,” diretsong sabi pa.

Speaking of Vice Ganda, nang ipamigay ang unang album niya under Star Records kung saan nakapaloob ang “KaraKaraka” sa nakaraang “I-Vice Ganda Mo Ko” presscon ay hindi muna namin ito pinakinggan dahil inisip namin na another novelty album lang ito tulad ng ibang singers na nagpapatawa.

Pero kahapon habang nagtitipa kami ng kolum na ito ay sinubukan naming patugtugin ang CD ni Vice at nagulat kami sa version niya ng “Dahil Mahal Na Mahal Kita” na orihinal na kinanta ni Roselle Nava dahil ang ganda ng pagkakaawit niya, bukod pa sa original songs niyang “Hindi Siya Kundi Ako” at ang “Manhid” na nakaka-LSS din.

Kaya siguro maganda ang pagkakakanta niya sa mga nasabing awitin ay dahil may pinanggagalingan siya nu’ng panahong i-record niya ang mga ito at nu’ng finally masaya na siya, naging “KaraKaraka” na ang dating. Ha-hahaha!

Anyway, ayaw nang palakihin pa ni Vice ang isyu sa kanila ni Nancy Binay na nagsabing isang boto lang naman daw siya kaya hindi big deal kung ayaw sa kanya ng komedyante.

Sey ni Vice  naglabas lang naman daw siya ng personal niyang opinyon at wala siyang masamang sinabi.

As of now ay ang upper at general admission na lang yata ang available tickets para sa “I-Vice Ganda Mo Ko” concert niya sa Mayo 17.

Kasosyo si Vice sa pag-produce ng show niya at hindi raw malaki ang talent fee niya rito, “Naku, walang increase (mula sa dalawang naunang show).”

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: