Skip to content

CHARICE ipinaaresto sa mga pulis, ang sariling ina; kinakasamang dyowa ipinabawi sa NBI ng mga magulang

May 13, 2013

charice pempengcoDahil sa matinding away nagkanya-kanya na sila ng buhay

Totoo pala ang balita na hindi na magkasama ngayon si Charice Pempengco at ang kanyang ina at kaisa-isang kapatid na lalaki.

Bumukod na pala ang international singer dahil malaki ang away na namamagitan ngayon sa kanilang mag-ina.

Dumating na pala ‘yun sa puntong ipinapulis pa ng singer ang kanyang mommy, hindi na lang inilabas ‘yun ng kanyang inang si Raquel, dahil masisira ang pangalan ng kanyang anak.

Ang mas nagsasalita tungkol sa alitan ng mag-ina ay ang kanyang lola, si Nanay Tessie na halos nagpalaki na sa kanya, ito rin ang ina ng kanyang mommy na nagdadala sa kanya sa mga amateur contest nu’ng bata pa siya.

Sa kanyang malambing na payo kay Charice ay sinabi pa ni Nanay Tessie, “Sana, nararamdaman mo ang paghihirap ngayon ng mommy mo dahil sa nangyari sa inyo, hirap na hirap na siya ngayon.

“Ang sabi, e, blood is thicker than water daw, pero sa nakikita ko ngayon sa iyo, anak, e, parang mas malabnaw na ang dugo kesa sa tubig. Huwag ganu’n, huwag kang nagsasalita ng ganyan, Gawain lang ‘yan ng mga nagda-drugs!” ayon sa lola ni Charice.

May balita ring nakikipag-live-in na ngayon si Charice sa bagong babae sa kanyang buhay, pero nang matunugan ng ina ng babae ‘yun ay kumuha ng mga ahente sa NBI ito para mabawi ang kanyang anak, nagtagumpay naman ang ina ng teenager.

Maligalig nga ngayon ang buhay ng international singer, matindi ang nagaganap na gulo sa kanilang pamilya, nag-ugat ‘yun sa diumano’y hindi matanggap-tanggap na paglantad ng singer tungkol sa kanyang tunay na kasarian.

Ang tanging kuwento ng lola ni Charice tungkol du’n, “Anak, nilalawakan ko ang isip ko para diyan, pero hintayin mo sanang matanggap ng mommy mo ang totoo tungkol sa gender mo.

“At sa ayaw at sa gusto mo, may monthly period ka pa rin,” malungkot na sabi ni Nanay Tessie.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: