Skip to content

P35-M talent fee ni COCO sa kampanya pinalabas na libre para lumusot sa BIR?

May 12, 2013

coco martinKumita ng limpak-limpak sa pag-endorso ng politiko

TAHASAN talagang itinatanggi ni senatoriable Sonny Angara na binayaran nila si Coco Martin para iendorso siya as senator.

And with that, sa tinanda-tanda naman natin sa mundong ibabaw ay tahasan din naming kinokontra ang sinasabi niyang libreng serbisyo ni Coco para ikampanya siya.

Doon lang naman umikot si Angara – sa isyu ng P35 million na allegedly ibinayad ng kanyang kampo para isulong ni Coco ang kanyang kandidatura.

Kung naaalala ninyo pa, lumabas ang figure na iyan sa circle ng mga senatoriables at maaaring hindi exact ang amount na tinutumbok natin – maaaring P34 million lang or P35 million or P20 million or P50 million – pero definitely hindi libre ang TF ni Coco Martin.

Mamatay na ang nagsisinungaling.

Bagsakan na ng mga bato mula sa bulkang Mayon ang hindi nagsasabi ng totoo. Bumaba sana ang Diyos sa kalangitan para parusahan ang nagsisinungaling sa aspetong ito.

Nakakatawa si Sonny Angara – pinagpipilitang ang tanging ibabayad lang daw nila kay Coco ay trip to Boracay as one of his endorsers.

Hindi lang naman daw siya ang ineendorso ni Coco, nandiyan din daw sina Richard Gomez sa Ormoc, Aga Muhlach sa Camsur, Grace Poe for the Senate, Anton Lagdameo (asawa ni Dawn Zulueta) ng Davao at marami pang iba.

At lahat daw ito ay libre rin.

Pero wait, Sonny Boy, maaaring totoong hindi talaga nagpabayad si Coco sa pagsuporta sa mga nabanggit mong mga pangalan pero may maliwanag na dahilan kung bakit siya sumusuporta sa kanila, for the simple reason na magkakasama sila sa showbiz.

Ang hindi lang showbiz riyan ay si Anton Lagdameo pero bilang asawa ni Dawn Zulueta na nakasama ni Coco sa Walang Hanggan, posible talagang libre ang pag-endorse niya sa mga ‘yan.

Imagine, tanging si Angara lang ang may TV commercial na kasama ka?

At bakit kamo nakuha mo si Coco ng libre? Bakit? Magkaklase ba kayo before? Mag-best friend? Magkamag-anak? Paano?

Paki-explain naman kung paano kayo naging magka-close?

Curious lang ang marami sa aming mga botante.

Ang sabi n’yo nu’ng una ay dahil naniniwala si Coco sa advocacy mo on education and what not. Lahat naman halos ng kandidato ay isinasama ang edukasyon sa pambobola nila, di ba?

What’s so special about yours then at napapayag mo si Coco, aber?

Alam namin ang larong ito, Sonny Boy, alam namin kung magkano ang presyuhan for an endorsement kaya huwag mong bolahin ang publiko.

Puwede mo namang sabihing binayaran n’yo nga si Coco pero confidential lang ang amount.

Maaaring malaki or maliit pero sure kaming may bayad.

Diyos ko, not for anything else, kung ako rin kay Coco magpapabayad talaga ako.

Big bucks naman talaga for an artist of his caliber ang bayaran, ’no! Kaya huwag mo na kaming echosin.

Papunta ka pa lang pabalik na kami, oy!

Puwedeng nagkabayaran sila ng walang resibo para walang hahabulin ang BIR pero madali namang bawiin ito ni Sonny once na nakaupo na siya.

O, hindi ba’t ang mga dating purdoy na politiko ay naging bilyonaryo nang maging senador – sa laki ng mga pork barrels nila – natural na kaya nilang bawiin ang nagastos nila sa kampanya.

Nakakarindi lang kasing pakinggan ang mga kaechosan ni Angara na hindi talaga nagpabayad sa kanya si Coco Martin.

Oh, di sige, nakuha niya ng libre si Coco pero sabi ko nga at uulitin ko – mamatay na ang nagsisinungaling.

Ngayon na!

Funny indeed. Ni hindi nga sila personal na magkaibigan ni Coco ’tapos bibigyan siya ng libreng serbisyo ni Coco?

Ha-hahaha! Komedyante rin pala ang guwaping na senatoriable na ito! Hasus!

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: