Skip to content

KIM suklam na suklam pa rin kay MAJA, ayaw nang makipagbati sa dating BFF

May 12, 2013

kim chiuHINDI pa handang makipag-ayos si Kim Chiu sa dati niyang best friend na si Maja Salvador.

Feeling namin, sariwa pa rin hanggang ngayon ang sugat ni Kim dahil sa ginawang pagtatraydor sa kanya ni Maja at ng ex-boyfriend niyang si Gerald Anderson.

Sa ginanap na trade launch ng ABS-CBN kamakailan, kitang-kita ng mga taong nasa venue ang hindi pagpapansinan ng dalawang bida ng Primetime Bida teleserye na Ina Kapatid Anak.

Sina Maja at Kim ang nagbigay ng opening production sa nasabing trade launch kung saan kinanta nila ang “Diamonds” ni Rihanna.

Hindi man lang daw nagtinginan ang dating magkaibigan habang nagpe-perform on stage.

Pero in fairness naman daw, pinalakpakan ng audience ang kanilang performance.

Sa interview ng ABS-CBN kay Kim, tinanong ang aktres kung handa na rin ba siyang makipag-ayos kay Maja ngayong okay na sila ng kanyang ama na nakatampuhan niya ng mahabang panahon.Nangiti lang si Kim sabay sabing, “Tsaka na ‘yan. Diamonds in the sky na lang muna.”

Sa panayam naman kay Maja, tulad ni Kim umiwas din itong pag-usapan ang posible nilang pagbabati, “Maraming salamat sa sumuporta sa akin.

Abangan ninyo ang pagbabati nila (Margaux at Celyn sa show).” At sa tanong nga kung kumusta na sila ng dating best friend, ito lang ang naging tugon ni Maja, “Thank you. I love you!”

Sa mga fans naman ng dalawa, kung hindi pa sila handang magbati ngayon, abangan n’yo na lang ang mga susunod na eksena sa serye nilang Ina Kapatid Anak sa ABS dahil malapit n’yo na ngang mapanood ang pagbabati nina Margaux (Maja) at Celyn (Kim) sa programa.

Napapanood na kasi sa trailer ng soap ang eksena ni Maja na humihingi ng sorry kay Kim, anito, “Hindi ko alam kung paano ako hihingi ng tawad for hurting you.

I’m sorry, Celyn. I am so sorry.”

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: