Skip to content

CHARICE handa nang umamin sa tunay na kasarian, idol na idol daw si AIZA

May 12, 2013

charice pempengco1Mommy Racquel: Hahayaan ko na lang siyang ilantad kung ano ang tunay na katauhan niya!

MATINDI raw talaga ang naging “away” ng mag-inang Charice at Mommy Racquel nitong mga nagdaang buwan.

Balitang hindi nagugustuhan ng ina ni Charice ang mga huling desisyon nito sa kanyang personal na buhay.

Ayon kasi sa mga chika, hindi raw matanggap ni Mommy Racquel ang biglang pagbabago ng “image” ng kanyang anak, tinangka raw nitong ipaliwanag kay Charice ang kanyang saloobin bilang ina ngunit hindi raw nakikinig ang international singer.

Hindi ba’t naichika nga natin dito sa BANDERA na nagkasagutan pa raw ang mag-ina tungkol dito?

Lalaking-lalaki na nga kasi ngayon ang itsura ni Charice, kamukha na nga niya sa bago niyang buhok at style ng pananamit sina Daniel Padilla at Justin Bieber, di ba?

Wala pa tayong naririnig na pahayag mula kay Charice kung bakit naging ganu’n ang image na gusto niyang i-project. Pero halos lahat ng mga nakakakita kay Charice ay naniniwalang tomboy nga ang singer.

Sa latest interview sa nanay ni Charice, sinabi nga nitong handa na siyang tanggapin ang tunay na pagkatao ng anak.

“Ang sinasabi ng puso ko at isip ko bilang ina ay hayaan ko siyang ilantad kung ano ang tunay na katauhan niya.

Kung ano ang gusto niya, dahil doon siya magiging maligaya,” ayon kay Mommy Racquel.

Sey pa nito, wala raw siyang ibang hangad kundi ang magandang kinabukasan ng anak at ang kaligayahan nito.

“Nirerespeto ko kung ano ang gusto niyang sabihin sa publiko, dahil doon siya magiging masaya at malaya na hindi niya nahanap sa aming pamilya,” sey pa ng mommy ni Charice sa nasabing interview.

May natanggap kaming chika na handa na rin daw magpa-interview si Charice para aminin ang tunay niyang sexual preference.

At kapag nangyari ito, tiyak na marami pa ang hahanga sa kanya.

Mas gusto kasi ng publiko ang isang taong nagpapakatotoo.

Tingnan n’yo ang nangyari kay Aiza Seguerra, matapos siyang umamin na isa siyang tibo, mas bumongga pa ang career niya, di ba?

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: