Skip to content

Mamahaling damit at sapatos ni GRETCHEN agaw-eksena habang nag-iiyak sa studio ng ‘THE BUZZ’

May 11, 2013

gretchen barrettoKahit  nasasangkot sa iskandalo, fashionista pa rin

UNEXPECTED ang biglang pagbuhos ng damdamin ni Gretchen Barretto sa The Buzz last Sunday.

Nasa studio kami that time and earlier pa lang sinabihan na kami ng manager niya na si Bettina Aspillaga na hindi magsasalita si Gretchen tungkol sa kontrobersya ng pamilya niya.

But towards the end of the show, nu’ng nakaupo na si Gretchen with The Buzz hosts Boy Abunda and Toni Gonzaga to give their comments after ipalabas ang VTR on pagbabati nina Kim Chiu at tatay niya at ang pagkakalayo naman ni Charice at ng ina nito, nangilid na ang luha sa mga mata ni Gretchen.

At sa huli nga, kumawala na ang kinikipkip na emosyon ni La Greta.

Pero kahit wala na sa ere ay umiiyak pa rin siya habang yakap-yakap ng kanyang kaibigan na si Kuya Boy.

Sa dressing room nakatsikahan naman namin si Kuya Boy na iwas naman sa pagbigay ng kanyang comment. “She was really invited to co-host, you know.

There was no statement, ‘yun lang.

Kasi it was very difficult not to address it.

Kanina I was expecting whether she’ll answer it or not, nasa kanya ‘yun.

But I like the way she handled it. I mean, she doesn’t want to fight.

That’s okey, ‘di ba,” sabi sa amin ni Kuya Boy.

Tinanong namin si Kuya Boy kung true ba na nadala si Gretchen sa napanood niya sa isyu on Kim and her father pati na sa away nina Charice and her mom? “Malay, I don’t know.

Let’s not diminish naman the suffering that she is na parang, nadala ba siya doon sa kwento nina Charice, oo, human. I don’t know.

Paano ko naman malalaman? Nasa kanya na ‘yon.

Pero at least nagsalita,” sagot ni Kuya Boy.

Dagdag niya, “Kasi wala nga talagang balak in the beginning. I don’t know.

Kasi nakakahiya naman sabihin, ‘Gretchen, mag-statement ka,’ silang mga namamahala ng show.

Tsaka very touchy sa atin dahil ‘di ba, lalo na ‘yung trabaho namin na, ‘Is it right to do these things in public?

Is it right to discuss these things publicly?

Kaya nga sinabi ko sa show it will take a lot of…for anybody to provoke Gretchen to talk because she decided to keep quiet. ‘Yun lang ‘yun.”

As expected, maganda na naman ang suot ni La Greta sa TV.

We found out sa kanyang stylist na si Ian Teron na mula sa Greek designer na si Mary Katranzou sa London nito binili ang kanyang suot sa The Buzz last Sunday with matching bracelet from Boucheron and Verdura, at ang shoes niya by Jimmy Choo.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: