Skip to content

KC: Turo ng nanay ko, wag masyadong umasa sa lalaki!

May 11, 2013

kc concepcionBATA pa lang pala ay tinuruan na ni Sharon Cuneta ang anak na si KC Concepcion na mag-diet para hindi ito tumaba nang tumaba.

Tabain naman talaga noon ang TV host-actress kaya talagang tinutukan daw ni Mega ang timbang ng anak.

Sa Kris TV kung saan nagsilbing co-host si KC, sinabi ng dalaga na naging malaking bahagi ng kanyang pagpapapayat ang kanyang ina, “Personal na ito, pero ikukuwento ko,” unang kuwento ni KC.

“Ako, nine years old, pinag-diet ako ng mom ko… nine years old ay talagang may kinausap silang doctor.

“Kasi, seven years old ako noong lumipat ako sa lola ko, medyo nawala yung control ko sa food.

Payat ako before seven years old. By the time na magna-nine (years old) na ako, yun, nararamdaman ko na na malaki na ako, umiiyak talaga ako noon.

“Umiyak ako nang umiyak, kasi first time ko na makita na malaki ang tiyan ko. Ayun, pinag-diet na talaga ako and my mom consulted nga a doctor for it.

“When I turned 12, sinabi nila na ang dapat lang ay maging active ako.

Kaya noong lumipat ako sa Boston, it’s realization talaga na kailangang maglakad ako at kailangang gumagalaw lagi,” kuwento pa ni KC.

Isa pa raw sa “ipinamana” ng Megastar kay KC ay ang pagpapahalaga sa perang kinikita niya mula sa pag-aartista, “I work hard… nagtatrabaho na rin ako.

I’m earning constantly and consistently at may time nga na regularly ay may pumapasok na pera.

“Kailangan mo rin mag-isip kung saan mo dadalhin ito.

May mga ways na kasi ngayon kung paano siya lalago at dadami pa yung money mo—depende talaga kung saan mo ilalagay.

“So, basta hindi lang siya savings na natutulog sa bank.

Sa akin kasi, I’ve learned from my mom, talagang tinutukan niya ako dito na merong condo units.

“I won’t go into details, pero I’ve learned naman to invest sa land,” sabi pa nito.

At ang pinakamahalagang aral daw na naibahagi sa kanya ng ina ay, “Yun nga sabi ni Mom, ‘When you grow up…’ ayaw na niyang maging dependent kami o maging dependent kami masyado sa lalaki.

Tulad nga raw yung nangyari sa kanya na noong lumaki na siya ay hindi na siya humingi ng kahit isang kusing sa mga lolo’t lola ko.

Kumbaga, Work hard, dream big.”

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: