Skip to content

KRIS biglang nilaglag ng kampo ni SEN. CHIZ dahil kay JAMES YAP

May 8, 2013

kris aquinoBaka raw manega kapag isinama sa kampanya

ISININGIT ni Kris Aquino sa kanyang super hectic schedule ang pagkampanya sa mga paborito niyang senador – talagang galugad to death siya ng iba’t ibang parte ng Pilipinas para iendorso ang mga kandidatong feel niya.

Pero hindi na raw ito masyadong mainit na tinatanggap ng mga kababayan natin, hindi raw tulad ng dati kung saan ay nagkakandarapa ang mga tao masilayan lamang siya.

Ngayon ay hindi na raw sila ganoon ka-excited na makita si Kris.

Kaya tama lang siguro si former senator Ernie Maceda sa sinabi nitong hindi na ganoon ka-effective si Kris as endorser.

Pero wait, biglang nag-react daw si Kris sa tinurang iyon ni Manong Ernie.

Sabi raw ni Kris, kaya raw siya kinukuhang endorser and became number one endorser dahil mataas ang tiwala sa kanya ng taumbayan.“Huwag siyang mag-ilusyon, huwag siyang magmaang-maangan.

Aminin niya ang totoo, na kaya lang siya kinukuhang endorser dahil malakas ang kapit nila sa agencies.

Lalo pa nitong nanalong presidente ang kapatid niya.

Natural, natatakot pag-initan ang mga kompanya kaya siya ang kinukuhang endorser para mapalapit sa administrayon.

Tumigil nga siya.

“Kilala naman silang mga benggador, ‘no! Lalo na ang kuya niya kaya huwag niyang paniwalain ang taumbayan na kaya siya kinukuha dahil sa taas ng approval ratings niya, of course not!

“At marami akong nakausap na mga kakilala ko sa ibang lugar na pinupuntahan niya at sabi ng karamihan sa kanila ay suplada raw si Kris.

Pag may mga taong tumitili at tinatawag ang pangalan niya, tinatakpan niya ang tenga niya.

Napakaarte raw at hindi naman nambabati.

Pag marami nang tao, tsaka kuno-kuno kakaway-kaway at ngingiti.

Ganyan lang naman si Kris ever since, di ba?

Kaya huwag pakasisiguro ang mga iniendorso niya,” mahabang pagmamarkulyo ng isang kakilala natin.

Nakakatawa lang dahil meron pala dapat schedule si Kris na sumama kay Sen. Chiz Escudero papuntang Bacolod for a sortie.

Pero minabuti ng opisina ng magiting na senador na kanselahin na lang iyon dahil baka instead na makakuha sila ng boto with Kris ay baka ikatalo lang nito.

Kasi nga, di ba? Tagaroon si James Yap na masyadong sinaktan ng TV host?

Remember ‘yung isinampa ni Kris na Temporary (o Permanent na?) Protection Order sa korte para hindi siya malapitan ni James at ang anak nilang si Bimby?

Hanggang ngayon ay balitang galit na galit daw ang mga kababayan ni James sa kanya dahil para nga namang hindi na niya kinikilalang ama ng kanyang anak ang PBA player.

Kahit nu’ng nasa Iloilo si Kris kahapon, hindi raw sila masyadong tinao.

“Maraming nainis sa kanya, kasi tinatakpan pa niya ang tenga niya pag tinatawag ang name niya ng mga tao.

Instead of acknowledging them, ganu’n pa ang gagawin niya.

Kasama niya sa pangangampanya niya sa Iloilo ang sister niyang si Balsy, si ______ (pangalan ng kinamumuhian naming stand-up comedian na masakit sa tenga ang boses) at ilang PSG.

Hindi naman nila kami pinapansin eh,” sabi ng isang kababayan namin sa Santa Barbara, Iloilo na unang binabaan ni Kris for a  visit.

Hindi na ako nagulat sa ganitong mga senaryo.

That’s very ordinary na lang sa amin. We should know Kris better.

Kaya sabi nga nila, kung dati ay sobrang nagigiliw ang mga tao kay Kris, ngayon naman ay may lihim silang pagkamuhi.

Inis din sila sa TV host dahil hindi nito tinutupad ang mga pinagsasasabi niya, the last of which ay yung pagre-resign daw niya from the business.

What do you think?

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: