Skip to content

SAM babagal-bagal, SHAINA nasulot na ni PIOLO

May 1, 2013

piolo pascualWala pa ring ginagawang hakbang hanggang ngayon

‘Kung happy naman sila, e, di happy sila, ganoon lang!’   

WALA pa rin palang ginagawang effort si Sam Milby para ligawan si Shaina Magdayao kaya hindi na kami magugulat kung isang araw ay maunahan na naman siya ng iba.

“Hindi pa naman ako nanliligaw sa kanya, pero in-announce ko na may paghanga ako sa kanya at nagpaalam na ako kay Pratty (John Prats, ex-boyfriend ni Shaina).

“Na kung sakaling liligawan ko siya, nagkaroon ng maling impression na nililigawan ko na.

“So, it became more on preempted thing and people are expecting it shouldn’t be like that.

Ako, kung happy ako, it’s still like that.

And hanggang ngayon may paghanga pa rin ako sa kanya.“She’s beautiful, she’s blooming right now, she’s very respectable,” say ni Sam nang maka-text namin.

Ito rin ang sinabi ni Shaina ng huli namin siyang mainterbyu sa Juan dela Cruz presscon na walang ginagawang paramdam sa kanya si Sam kaya feeling niya ay nakikipagkaibigan lang talaga ang aktor sa kanya.

“Yes, we’re hanging out with our friends, ganu’n lang.” say naman ni Sam.

Kasama sina direk Lino Cayetano at Piolo Pascual sa mga nagpaparamdam kay Shaina at ang komento ni Sam?

“I’ve heard about that and lumabas siya sa The Buzz.

So, hindi naman ako kailangang mag-comment.

Kung happy sila, e, di happy sila, ganoon lang,” kaswal na sabi ng binata.

Samantala, hindi pa rin pala makapaniwala si Sam na ang indie film niyang “Death March” ay pasok sa Cannes International Film Festival na gaganapin sa May 15, “Grabe ‘yung privilege kasi the Cannes filmfest is known to be the most prestigious like below Academy.

Maski hindi kami sa main category. In indie movies, it’s like Academy Awards.

“And so many big stars na kalaban namin like si James Franco, and I think si Emma Watson nandoon din.

So, sobrang happy ako kasama ako sa movie. The movie itself is something to be proud of.

“It’s not only a good project, it’s history naman…Bataan Death March na nangyari during the World War.

Marami akong natutunan from doing the movie. Sana makapunta ako sa Cannes talaga,” sabi pa ng aktor.

Gustung-gustong dumalo talaga ni Sam sa nalalapit na event at pinaayos na raw niya ang schedule niya dahil nga kasalukuyan silang nagte-taping ng Against All Odds na “Huwag Kang Mawawala” na ang titulo kasama sina Judy Ann Santos at KC Concepcion.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: