Skip to content

RAYMART ayaw makisawsaw sa giyerang CLAUDINE at GRETCHEN

May 1, 2013

claudine raymartGusto lang protektahan sa iskandalo ang mga anak

SALUDO kami kay Raymart Santiago this time.

Tama lang na huwag na siyang magsalita o magbigay ng komento sa nagaganap na bangayan sa pagitan ng kanyang asawang si Claudine Barretto at sa mga kapatid nito.

Dedma lang si Raymart sa iskandalo ng mga Barretto, mukhang ayaw na niyang makisawsaw pa.

Maraming entertainment reporter ang nagtatangkang hingan siya ng pahayag tungkol sa issue, ngunit nabigo lamang ang mga ito.

Balitang magkahiwalay na nga ngayon sina Raymart at Claudine, mismong ang ina ng aktres na si Inday Barretto ang nagsabing umalis na ng bahay nila si Raymart bago pa man sumabog ang away sa pagitan nina Claudine at Gretchen Barretto.

Hindi naman nabanggit ni Mrs. Inday ang mga dahilan kung bakit “nag-cool off” ang mag-asawa.Pero para sa amin, tama lang na tumahimik na lang si Raymart para hindi na lumala ang sitwasyon.

Hayaan na lang niya na ang pamilya Barretto ang magdakdakan in public.

Tutal naman, hindi talaga siya kasama sa away ng pamilya ng kanyang asawa, di ba?

Tsaka, feeling ko, ayaw na talagang makialam ni Raymart, mas gusto niyang manahimik na lang para sa ikatatahimik ng kanyang kalooban at ng kanyang mga anak.

Samantala, nagpapaka-busy na lang ngayon ang aktor sa pagtatrabaho, tuluy-tuloy pa rin ang taping nila para sa bago niyang teleserye as GMA 7, ang Home Sweet Home na napapanood tuwing hapon bago ang 24 Oras kung saan kasama rin niya sina Roxanne Guinoo, Celia Rodriguez, Rochelle Pangilinan, Arthur Solinap, Jillian Ward, Bea Binene, Jake Vargas at marami pang iba.

Para sa mga sumusubaybay sa Home Sweet Home, narito ang kailangan n’yong abangan sa mga susunod na episode.

Mami-meet ng mag-amang Jessie at Redden si Princess Bungo na siyang magsasabi sa kanila na kailangang mahanap ang susi para makaalis sila ng disyerto bago maubos ang buhangin sa higanteng hour glass.

Tatamaan ng heat wave si Jessie. Sa tulong ni Princess Bungo, makakahanap ang mag-ama ng isang oasis.

Agad na kakagat ang dilim sa disyerto.

Kakailanganin ng mag-ama na makagawa ng apoy panlaban nila sa Asman.

Magpapagawa si Aling Tiling ng pekeng Reden. Halos sumabog ang kalan na ginawa ni Reden at mahuhuli ni Dulce na tatawa-tawa pa ito.

Makikipaglaro ng basketball si fake Reden sa mga bagets. Kampi sila ni Benjie.

Mananadya siyang manakit hanggang magdugo ang ilong ni Coco.

Mababasag naman ni fake Jessie ang vase ni Dulce.

Ibibibintang niya ito kay Ivan sa harap mismo ni Dulce.

Lilitaw na ang Asman kina Reden at Jessie.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: