Skip to content

Hamon ng kapatid ni CLAUDINE: Sige, magpa-drugtest na kami, tingnan natin kung sino talaga ang adik!!!

May 1, 2013

claudine barrettoNapuno na sa mga patutsada ng kanilang ina

Nakakalungkot ang mga sumunod na kuwento mula nang magdesisyon si Joaquin, nakatatandang kapatid nina Gretchen, Marjorie at Claudine, na magsalita na para kontrahin ang mga paninirang ginawa ng kanilang ina kay Gretchen.

Ayon kay Jay-Jay ay hindi na siya nakabalik pa sa tinitirhan nilang condominium unit ng kanilang mga magulang, si Claudine ang may-ari ng lugar, dahil sinabi diumano ni Mommy Inday Barretto na makapal na lang ang kanyang mukha kung babalik pa siya du’n.

Gustong-gustong makita ni Jay-Jay ang kanyang amang maysakit, pero hindi na niya magawa, dahil parang isinarado na ni Mommy Inday ang pintuan ng condo para sa kanya.

Napakasakit ding isipin na dahil sa kung ano-anong pangalang itinatawag sa kanya ngayon ng mga tagasuporta ni Claudine tulad ng adik, walang utang na loob at iba pang mga salitang nakapananakit sa kanya nang husto ay naghamon si Jay-Jay, sabay daw silang magpa-drug test ng kanyang bunsong kapatid.

“She’s calling me an addict? I knew she would use that. Sige, magpa-drug test kami nang sabay, anytime!

Kaming dalawa ni Claudine, I challenge her!

Tingnan natin kung sino ang addict, let’s see who really is on drugs!” paghahamon ni Jay-Jay sa kanyang kapatid.

Sa kanyang panayam sa PEP ay isang rebelasyon din ang inilantad ni Jay-Jay.

Nu’ng Dec. 22, 2012 pala ay ipapasok na sana nila sa rehab si Claudine, isang taon hanggang isang taon at kalahati ang kailangang ipamalagi du’n ng aktres, pero hindi ‘yun natuloy dahil pinaniwala ni Claudine ang kanilang mga magulang na maayos ito at walang pinoproblema.
Ang kanyang konklusyon, “You want to fix this family? You fix Claudine!”

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: