Skip to content

Totoo ba, ZANJOE at BEA hiwalay na?

April 30, 2013

zanjoe marudoAng Skylight Films ay nakilala sa mga kakaiba at out-of-the-box na mga pelikula. Ngayong May 15, maghahatid muli sa mga manonood ang Skylight Films at Star Cinema ng isang kakaibang movie experience sa “Bromance: My Brother’s Romance”.

Sa direksyon ng box-office comedy director na si Wenn Deramas, ang “Bromance: My Brother’s Romance” ang una ding pagkakataon na magbibida sa isang pelikula si Zanjoe Marudo kung saan gaganap siyang kambal—na ang isa dito ay bakla—ang gagampanan niya, kaya’t tunay na kaabang-abang ang pelikulang ito!

Iikot ang kuwento ng pelikula sa kambal na sina Brando, isang macho na lalake, at ang baklang si Brandy.

Dahil hindi matanggap ni Brando ang pagiging bakla ng kakambal, magdedesisyon itong mabuhay ng mag-isa at magtatayo ng talyer, pero malulubog siya sa utang.

Si Brandy naman ay magiging isang successful interior designer.

Patuloy sa pagtahak ng hiwalay na landas ang magkapatid, hanggang sa hilingin ng nanay nila magkasundo uli sila. Dahil dito, pupuntahan ni Brandy si Brando para makiusap sa kapatid na bumalik sa kanila.

Pero bago pa magkasundo ang dalawa ay maaaksidente at mawawalan ng malay si Brandy.

Habang nasa coma si Brandy, malalaman ni Brando na bago pala nangyari ang aksidente, may nasarado si Brandy na deal sa isang kliyente na nagkakahalaga ng milyon-milyon, at hindi puwede na basta-bastang mawala si Brandy sa eksena.

Sa takot ni Brando  na lalong magkagulo kapag nalaman ng kliyente ang nangyari sa kanyang kapatid, nagdesisyon si Brando na magpapalit muna sila ng identity ng kanyang kambal.

Kaya’t ang dating macho at maporma na si Brando ay biglang naging—si Brandy!

Ang “Karakaraka”, ang single mula sa dance album ni Vice Ganda ang theme song ng pelikula.

Kasama rin sa “Bromance: My Brother’s Romance” sina Arlene Muhlach, Joy Viado, Manuel Chua, Boom Labrusca, Joey Paras, Lassy, Nikki Valdez, Maricar de Mesa, Abbie Bautista, Carlo Romero at Jeff Luna.

Samantala, may  nang-iintriga na hiwalay na raw sina Zanjoe at Bea Alonzo.

Matagal na raw kasing walang balita sa dalawa, kaya marami ang nagtatanong kung nag-break na raw ang dalawang Kapamilya stars.

Nagtanung-tanong kami sa ilang taga-ABS-CBN, anang isang nakausap namin, talaga lang daw busy sina Zanjoe at Bea kaya wala silang masyadong time na mag-bonding.

Pero siniguro nito na very much together pa rin ang magdyowa.

Sa pagkakaalam namin, parehong lagare sina Zanjoe at Bea sa kanilang mga trabaho.

Pero kung may bahid nga ng katotohanan na nagkakalabuan na sila, wala naman tayong magagawa.

Sayang nga lang dahil ang feeling ng marami ay sa simbahan na ang tuloy ng kanilang relasyon.

Pero sana nga, tsismis lang ang lahat ng ito.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: