Skip to content

SHAINA MAGDAYAO: Dahan-dahan lang sa mga lalaki, takot pa rin kasi akong magmahal, e!

April 30, 2013

shaina magdayaoSana lahat ng mga babaeng nabigo sa pag-ibig, dapat n’yong gayahin si Shaina Magdayao na maski gaano kasakit ang naramdaman noong nagkahiwalay sila ni John Lloyd Cruz ay walang sinabing masama laban sa dating karelasyon.

Ang dahilan ng dalaga, “Sa sobrang solid ng suportang natatanggap ko mula sa mga kaibigan ko at pamilya ko tapos sobrang blessed pa ako, hindi na kailangang magsalita pa ng kung anu-ano.”

Inuulan nga ng blessings ang aktres, kasama na diyan ang pagkakasali niya sa seryeng Juan dela Cruz ni Coco Martin, “Sobrang blessed talaga kasi huminga lang ako after tapos heto kasama na nga ako sa Juan dela Cruz.”

Hindi naman itinanggi ng aktres na traumatic daw talaga ang nangyari sa lovelife niya nitong huli, “That’s what you call a heartbreak, di ba?

Lahat naman siguro dumaan sa ganu’n.

Pero kasabay noon, marami tayong natutunan at thankful nga ako, challenging man ang 2012, naging maganda naman.”Hindi pa rin pala sila nagkakaayos ng ex-boyfriend niyang si John Lloyd Cruz, “We’ve seen each other once, pero hindi pa kami nagkakausap,” kaswal na sabi ng dalaga.

Hanggang “hi” at “hello” lang daw sila.

E, si Angelica Panganiban, nagkikita ba sila? “Hindi pa kami nagkikita, never kami nagkita pa, matagal na.”

Paano mo naman siya babatiin in case na magkita kayo, “Hello naman siguro, o ‘Hey!’” natawang sabi ng aktres.

Muli na namang kinlaro ng dalaga ang tungkol sa kanila ni Piolo Pascual, aniya, talagang magkaibigan pa lang sila ng aktor.

Ang tanong namin, posible bang magkagusto si Shaina sa lalaking malaki ang agwat ng edad sa kanya tulad ni Piolo?

“Kung right person ‘yun, hindi natin masasabi.

Naghihintay lang ako para sa tamang tao.

I go on dates naman at nagpapasalamat ako at na-appreciate nila ako,” masayang sabi ulit ni Shaina.

“I’m taking my time (umibig ulit), kasi mayroon pa akong takot, pero nangangarap naman ako for the right person.

Pero kapag dumating na ‘yung tamang taong ‘yun, tatanggalin niya lahat ng takot ko, (he) will make you believe and making fall in love again,” dagdag paliwanag pa.

Isa rin si direk Lino Cayetano sa nagpaparamdam daw sa kanya, “Naku, si direk na lang tanungin ninyo, ayokong sa akin manggaling,” say ng dalaga na natatawa.

Dumalaw na ba si direk sa bahay nila at kinilala ang magulang? “Hindi naman, sila na lang tanungin n’yo,” paulit-ulit na saad ng aktres.

At tungkol naman kay Sam Milby, “Si Samuel, kasama ko lang kagabi (Huwebes), okay naman, kasama ko siya sa movie as Bea’s (Alonzo) fiancé. I think nakikipag-kaibigan naman siya, okay siya.”

Nagpaliwanag din si Shaina tungkol sa pagkakatanggal ni Angelica Panganiban sa pelikulang ginagawa niya ngayon kasama sina Angel Locsin, Bea Alonzo, Enchong Dee at Toni Gonzaga, ang balita kasi nawala si Angelica dahil sa kanya.

“Alam n’yo po, kinlaro kop o ‘yun, and I’m not sure kung anong role po ‘yung dapat sa kanya, pero ‘yung role ko is dagdag.

Kasi ako ang lumabas na youngest sa babae, kasi lima kaming magkakapatid, pero ako ‘yung bunso ako, si Enchong ang pinakabunso namin.

“Kaya nga nu’ng sinabing kasama ako, sobrang nagpapasalamat ako kasi, totoo ba ‘yan?

Ang gagaling ng mga kasama ko, si Toni, si Bea, si Angel, tapos si Enchong.

Sabi ko nga, parang ayaw kong maniwala,” kuwento pa ng dalaga.

Samantala base sa napapanood naming episode ng Juan dela Cruz, simula nu’ng pumasok si Shaina bilang si Mira na prinsesa sa kaharian ng mga engkanto at bumaba sa lupa para sa isang misyon ay mas lalong naging exciting ang kuwento nito.

Kaya tiyak na tataas pa ang rating nito.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: