Skip to content

KIM lalandiin si GERALD, gagantihan si MAJA?

April 30, 2013

kim chiuWALA na raw nararamdamang galit si Kim Chiu sa magdyowang Maja Salvador at Gerald Anderson, pero huwag daw umasa ang dalawa na magiging okay na ang lahat sa kanilang tatlo.

Katulad nga ng nasabi na ni Kim sa kanyang interview, hindi pa rin niya nakakalimutan ang ginawa sa kanya ng dating best friend at ex-boyfriend.

Kahit kami ay agree sa sinabing ito ni Kim, mahirap nga namang kalimutan ang katrayduran ng dalawang taong naging espesyal na bahagi ng buhay mo, di ba?

Sa isang panayam kay Kim, sinabi ng dalaga na hindi naman ibig sabihin na wala na siyang napi-feel na galit kina Maja at Kim ay kasabay na ito ng kanilang pagkakaayos, “Ano lang talaga, yun lang…mahirap kalimutan ang mga ginawa sa ‘yo pero mabilis naman akong magpatawad.

Okay na, sige, bahala na sila.”

Hindi rin daw nagsisisi si Kim sa mga nasabi niya laban kina Gerald at Maja,

“Actually, di ko na nga alam kung anu-ano ang mga pinagsasabi ko du’n basta wala…nagpapasalamat ako at di ko naman pinagsisihan ang mga nangyari. Ganu’n naman talaga ang buhay.”

Tungkol naman sa sinasabing pagpapaseksi niya, wala pa naman daw siyang planong magpakita ng kanyang kahubdan sa kanyang mga susunod na proyekto.

Naging usap-usapan kasi na malapit na raw siyang magpaka-daring dahil sa nai-post niyang picture sa Instagram kung saan naka-two-piece nga siya.

“Ha-hahaha! Hindi naman! Sideview lang naman ‘yun. Kung full view, iba yun.

Sideview lang, one angle ng body, di nga kita ang tiyan ko.

“Wala lang, since 23 na ako puwede na…hindi na sila magsasabi na, ‘Ay, di pa dapat…ganyan, ganyan.

Pero kahit paano, yun wala lang.

Hindi pa, huwag naman muna, okay pa ako ng ganito,” paglilinaw pa ng aktres.

Speaking of Maja Salvador, feeling namin, hindi naman masyadong apektado ang aktres sa mga pinagsasasabi ni Kim Chiu.

May nakapagsabi nga sa amin na laging masaya ngayon ang aktres dahil kay Gerald.

Sabi ng aming source, “Naku, talung-talo si Kim! Kung hanggang ngayon ay may kinikimkim pa rin siyang galit du’n sa magdyowa, parati namang nasa langit ng kaligayahan sina Maja at Gerald.

Para ngang wala silang pakialam sa mga pagdadrama ni Kim, ‘no!”

Dagdag pa ng aming kausap, “Kaya kung ako kay Kim, maghanap na rin siya ng bagong boyfriend, huwag na siyang umasa na magkakabalikan pa sila ni Gerald.

Or kung kakayanin naman ng sikmura niya, pwede niyang landiin uli si Gerald at agawin kay Maja! Ha-hahaha!”

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: