Skip to content

SHAINA: Dapat magkaroon na ako ng boyfriend kasi nakakahiya na!

April 29, 2013

shaina magdayaoIdinenay ni Shaina Magdayao na madalas siyang pumunta sa condo unit ni Piolo Pascual sa Makati, ang sinasabing bagong karelasyon daw ngayon ng dalaga.

Ilang beses nang nagdenay ang dalawa na sila’y magdyowa na, pero mas marami ang naniniwala na sila na nga.

Nagsimula raw ang pagkakamabutihan nina Piolo at Shaina sa pelikulang pinagsamahan nila, ang Star Cinema movie na “On the Job” na napiling ipalabas sa Cannes Film Festival.

Natatawa na lang daw si Shaina sa mga tsismis sa kanila ni Papa P.

“Puro trabaho na nga ako, eh. Ha-hahaha!

Pero un’ng wala pa akong trabaho masyado, un’ng nagpapapayat pa ako du’n sa movie, ayun magkasama kami, we run, we play badminton.

Tapos siya rin, busy din sila.”

Talaga lang daw close sila ni Piolo dahil matagal na rin naman silang magkaibigan, “We worked together sa Lobo tapos Alynna for a while. Dati pa magkaibigan talaga kami, from Lobo then we did MMK pa together tapos natutuwa ako kasi ni-request rin naman niya ako at naisipin nila na ako yung maging wife niya sa On the Job.

“Marami namang puwedeng gumanap nu’n, ‘di ba?

So natutuwa ako at nagpapasalamat ako sa kanya at saka kay direk Erik Matti.

Kaya dapat magpasalamat na lang ako na nakasama ako sa movie.

At nabibigyan ako ng ganitong opportunities,” sabi pa ng dalaga.

Hirit pa ni Shaina, hindi naman daw siya ‘yung tipo ng babaeng nagkakandarapa na sa kahahanap na magiging boyfriend, hindi pa naman daw siya ganu’n kadesperada.

“Sabi ko nga dapat ba magkarono na ako ng boyfriend kasi nakakahiya na, parang walang pakundangan na akong i-link ako sa mga lalake.

Parang hindi naman ako sanay na lahat at saka sabay sabay.

“Wala eh, parang lahat naman sila kinakaibigan ko ngayon.

Siguro malinaw naman po na I’m in no rush to enter into a new relationship and ngayon ko lang na-e-experience kung gaano kasaya maging single, walang problema at ine-enjoy ko lang tapos yun nga may trabaho pa ako.

So puro trabaho muna ako ngayon.

Hindi talaga ako nagmamadali, I’m taking my time,” esplika pa ng dalaga.

Kamakailan, ipinakilala na si Shaina bilang karagdagang karakter sa number one Primetime Bida series na Juan dela Cruz, at aminado ang aktres na sobrang excited na siya sa paglabas niya sa serye at maging isa sa mga leading ladies ni Coco Martin.

“I’m looking forward to working with Coco.

He is one of the most talented artists in the industry,” sey nito na gaganap bilang si Mira, ang prinsesa ng mga diwata.

Matagal-tagal na ring hindi napanood sa isang teleserye si Shaina, ang huli pa niyang proyekto ay ang Kung Ako’y Iiwan Mo last year, pero hindi naman daw siya nainip.

“Hindi naman kasi kung matatandaan niyo isang buong taon din naman namin ginawa yung Kung Ako’y Iiwan Mo so medyo huminga lang ako ng konti .

Tapos ayun nakakatuwa dahil finally matutuloy na, kasama na ako sa pamilya ng Juan dela Cruz,” chika pa nito.

Napapanood pa rin ang Juan dela Cruz sa Primetime Bida ng ABS pagkatapos ng TV Patrol.

Ang tanong, hindi kaya ma-insecure na niyan si Erich Gonzales dahil hindi na siya ang solong leading lady ni Coco?

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: