Skip to content

JENNYLYN: Medyo nahihiya pa ako nu’ng una, pero bumigay din naman

April 28, 2013

jennylyn mercadoSa ginawang paghuhubad at pakikipagtalik kay Paulo

Joel Lamangan hindi pumayag dayain ang ‘sex’ sa The Bride and the Lover

KUNG dati ay si Carla Abellana ang katagisan ni Lovi Poe sa pag-arte at sa pagalingan sa pakikipag-love scene sa pelikulang “My Neighbor’s Wife”, ngayon ay si Jennylyn Mercado naman ang makakalaban niya para sa pelikulang “The Bride And The Lover” sa direksyon ni Joel Lamangan.

Naging mapahangas ang daring scenes nina Lovi at Jennylyn sa pelikula kaya bilib ang mag-inang producer na sina Mother Lily at Roselle Monteverde nang mapanood ang rushes ng erotic-drama film.

Pati ang away ng dalawang aktres ay naging makatotohanan dahil bilin nga sa kanila ni direk Joel ay huwag na huwag dadayain ang kanilang “fighting scenes”.

Itinuturing naman na young, hot mama si Jen na hanggang ngayon ay napapanatili pa rin ang balingkinitang katawan, huh!No wonder, attracted pa rin ang maraming lalaki sa kanya dahil parang hindi siya nanganak, di ba bossing Ervin? (As in Reggs!

Akala mo wala pang batang lumabas sa kanyang katawan! – Ed)

Ang “The Bride and The Lover” ay kuwento ni Vivian (Lovi) na nakatakdang pakasalan si Philip (Paulo Avelino) pero nang malaman na lover nito ang kanyang kaibigan (Jennylyn) ay nagkahiwalay na sila.

Napamahal na si Jennylyn kay Paulo kaya nasira ang pagkakaibigan nila ni Lovi.

Samantala, nagpasasa si Paulo kina Lovi at Jennylyn dahil sandamakmak nga ang maiinit nilang eksena sa pelikula kaya naman napapangiti ang aktor nang tanungin siya kung sino ang mas masarap humalik at “mag-pump” sa dalawang aktres.

At base sa trailer ay maiinit talaga ang love scene ng mga bida kaya maraming naiinggit ngayon kay Paulo at malamang na ika-insecure rin daw ng mga karelasyon ng tatlong bida.

Say nga ni Lovi, “Nagkaroon na ako ng love scenes sa kanya so when direk Joel told me na may love scene kami ni Paulo, there was no hesitation on my part.

I know he will take care of me and he did! Naging agresibo nga lang ako sa scene na ‘yon dahil meron akong purpose! Ha-hahaha!” pahayag ni Lovi.

Sabi naman ni Jennylyn, “Medyo nahihiya nga ako nu’ng una bago gawin ang scene naming ni Paulo.

Although nagsama na kami sa GMA, hindi pa rin maiiwasan na ma-conscious ako before the take.

Pero maalaga siya. Inalalayan niya ako kaya bumigay naman!

Agresibo rin kasi ako sa movie at ayokong maagaw siya ni Lovi.”

Kuwento naman ni Paulo, “Magkaiba kasi ang characters nila sa movie.

Eh, ako naman, sira-ulong lalaki na bawat babaeng magustuhan, pinapatos.

But they were very cooperative and very professional.

I can’t describe the feeling habang ginagawa naming ‘yung mga eksena but it was good. Very good! Ha-hahaha!”

Timing ang showing ng “The Bride and The Lover” dahil itinapat ito sa Labor Day, May 1 kung saan makakasama rin sina Joem Bascon, Hayden Kho, Carmi Martin at Timmy Cruz.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: