Skip to content

XIAN kay KIM: Hindi ako nanakit ng babae, good boy naman ako!!!

April 27, 2013

xian limO, ano’ng mase-sey mo ngayon Gerald Anderson?

WALANG nararamdamang galit o pagkapikon si Xian Lim sa mga naglalabasang chika na kaya hindi pa rin siya sinasagot ni Kim Chiu ay dahil in love na in love pa rin ito kay Gerald Anderson.

Ang mahalaga raw kasi sa kanya ngayon ay hindi ang mga tsismis, kundi ang special friendship nila ni Kim na aniya’y mas lalong lumalim dahil sa halos araw-araw nilang pagsasama sa taping ng Primetime Bida series ng ABS-CBN na Ina Kapatid Anak.

Sa katunayan, talagang umuwi pa ang binata mula sa isang event na dinaluhan niya sa Legazpi city last week para makasama si Kim sa birthday celebration nito.

Hindi raw niya maaatim na hindi makasama ang kanyang ka-loveteam sa espesyal na araw nito.

“Kami ni Kim we’re enjoying everything that’s been given to us by the network, yung trabaho namin, yun lang naman ang hinihiling namin, eh. Now gusto namin magtrabaho ng magtrabaho.

Lahat ng trabahong binibigay sa amin blessing na rin na magkasama pa rin kami.

Killing two birds with one stone. Ha-hahaha!” sabi ng binata.

Ayon kay Xian, wala siyang ibang nais para sa dalaga kundi ang maging maligaya ito at mas lalo pang maging successful sa kanyang career, “I wish na sana kung nandito siya sa peak siya ngayon, mas mahihigit pa yung peak na yun.

I guess lahat ng tao pag nakikita siyang masaya nahahawa sila sa happiness niya so she’s doing good for everyone.”

Sa pagkakaalam ni Xian, masaya naman daw si Kim sa itinatakbo ng buhay nito ngayon.,“Lahat naman ng lalake kahit sino, any woman very fulfilling para sa lalake na makita na masaya sila.

So enough na sa akin na makita siya na masaya.

Gift na sa akin yun.”

Reading between the lines, mukhang tanggap na ni Xian na hindi pa talaga handa ang dalaga na makipag-boyfriend ngayon.

Hindi nasolo ni Xian si Kim nu’ng birthday nito, at umaasa siya na magkakasarilinan din sila one of these days, “Siyempre si Kim na lang yung magde-decide niyan.

Nakakalabas naman kami. Like I say, I’m not going to say we don’t go out.

We do go out but siyempre mas si Kim na bahala du’n.”

Ano naman ang masasabi niya sa laging binabanggit ni Kim na espesyal talaga ang kanyang “relasyon”, “Para marinig yan coming sa isang babae, I guess for any man they would feel very, very happy.

Basta sobrang nakakaano ng puso yun eh di ba?

Kahit sino namang makarinig nun eh. So I’m happy that she’s happy.”

“At sabi ko nga, wala akong ibang intensiyon sa kanya, but the best.

Hindi naman ako nananakit ng tao.

Ha-hahaha. Good boy naman po ako,” pagtatapos pa ng binata.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: