Skip to content

JOHN LLOYD ibang klaseng mabaliw sa babae, nagwawaldas ng milyones mapaligaya lamang si ANGELICA

April 27, 2013

john lloyd cruzBilib na bilib si John Lloyd Cruz sa pagiging maunawain ni Angelica Panganiban.

Never daw kasi itong nagpakita ng selos sa loveteam nila ni Sarah Geronimo.

Ito’y sa kabila nga ng naglalabasang chika na mas bagay daw sina Sarah at Lloydie.

Sey ng box-office king very smooth ang relasyon nila ni Angelica dahil pareho silang nagbibigayan at nag-iintindihan.

“Nagpapasalamat ako kasi naging madali.

Baka sa ibang relasyon, baka ‘di madali.

Pero sa amin naging madali siya.

Kumbaga, ayaw namin maging hadlang sa ikauunlad ng bawat isa,” ani Lloydie.
In fairness, kahit na magdyowa na sila, hindi sila dumedepende sa isa’t isa, “Because bago kami nagkakilala, meron kaming kanya-kanyang karera, kanya-kanyang acting. Hindi dahil naging kayo dapat mabago yun, hindi dahil naging kayo mayroon kayong papalitan.

Kanya-kanyang diskarte pa rin pagdating sa aming kanya-kanyang career.”

And contrary to reports na nagkakalabuan na sila, dedma lang dito si Lloydie, sa mga nakakita raw ng mga pictures nila sa Instagram noong Holy Week, tiyak daw na iba ang iniisip ng mga ito, “Kung ano yung nakita niyo sa picture, ganoon naging kasaya yung kaming lahat.”

Tungkol naman sa balitang mahigit P2 million ang ginastos niya sa Holy Week vacation nila ni Angelica (para lang sa renta ng Ariara Island sa Palawan), anang aktor, “Anong intriguing du’n?

Kahit naman saan ka magpunta kailangan magbayad.

Wala naman intriguing du’n.”

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: