Skip to content

CLAUDINE ipinangbala ang ina sa giyera, walang paki sa bangayan ng pamilya

April 27, 2013

claudine barrettoHating-hati ang emosyon ngayon ng ating mga kababayan sa nagaganap na kontrobersiya sa pagitan ng mag-inang Inday at Gretchen Barretto.

May mga kumakampi sa ina, meron namang nagsasabing mas nasa tamang posisyon si Gretchen, ang nakalulungkot lang ay isang mag-ina ang naglalaban ngayon.

Madaling intindihin ang isang isyu kung magkakaibang tao ang sangkot, kung hindi magkakadugo ang nag-uupakan, kakaiba ang nangyayari ngayon sa pamilya Barretto dahil sila-sila ang naglalaban at nagbabatuhan ng putik sa publiko.

Ang away ay nag-ugat kay Gretchen at sa kanyang kapatid na bunso na si Claudine, pero nang magtagal-tagal ay ang mismong mommy na nila ang kalaban ni Gretchen, ito na ang sumalo sa laban ni Claudine.

Sobra-sobrang sakit ang naramdaman ni Gretchen sa mga binitiwang salita ng kanyang ina, tagos ‘yun hanggang sa kanyang kalamnan, dahil literal siyang ipinagbulgaran ng kanyang nanay sa buong bayan.

‘Yun naman ang anggulong kinukuwestiyon ngayon ng ating ma kababayan, bakit daw kinailangan pang kumampi ni Mommy Inday kay Claudine, samantalang pareho naman nitong dugo at laman ang magkapatid?“Ang mga magulang dapat ang nagpapaliit sa gap ng magkakapatid, hindi sila ang nagpapalaki, kaya kakaiba rin naman ang ginawa ni Mommy Inday.

Itinaas niya si Claudine habang ibinabagsak niya naman si Gretchen,” komento ng aming kaibigang propesor.

May mga nagpapalagay naman na mismong si Claudine ang nagtulak kay Mommy Inday para sumalo sa laban na dapat ay hinaharap ngayon ng mas nakababatang aktres.

“Ibang klase rin naman si Claudine, para lang maisalba niya ang sarili niya sa kahihiyan, e, parang mas ginusto na lang niyang magsabong ang mommy niya at ang kapatid niya.

“Ayan tuloy, mommy niya ang napupuruhan ngayon, napaka-selfish naman nu’n for Claudine.

Siya na lang sana ang lumaban kay Gretchen, hindi ‘yung ganyan na parang ipinambala pa niya sa giyera ang mismong mommy nila!” komento ng isang nagmamasid sa labanan ng mag-iina.

May katwiran ang katwiran.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: