Skip to content

BOSSING, PAULEEN nagpakasal na raw sa MACAU

April 27, 2013

vic sottoBIGLA kaming binati ni Pauleen Luna habang abala kami sa pagpili ng upuan bago manood ng sine sa Trinoma kamakailan.

Katabi lang pala namin siya sa  magkatabing takilyera sa sinehan.

Mabuti naman at siya mismo ang bumati sa amin.

Ganap na babae na talaga ang dating ni Pauleen ngayon.

Malayo na sa magandang dalaginding na una naming na-meet sa ABS-CBN at niyaya pa kami with her Mommy Chat na mag-dinner sa bahay nila.

Kasama niya that time ang Daddy niya na manonood ng sine.

Kay Pauleen namin nabalitaan na na-heart attack pala kamakailan ang daddy niya.

Akala namin ang nababalitang boyfriend niya ngayon na si Vic Sotto ang kasama niyang manonood.

At dahil nabanggit na ang pangalan ni Vic, kinumusta namin ang nakaraang trip nila sa Macau noong Holy Week. Masaya naman daw pero nilinaw niya na hindi naman daw sila solo ni Vic na nagpunta doon.

“Si tito Sen (Tito Sotto) ang nag-treat sa aming lahat ng trip.

Marami kami, grupo  kami,” kwento ni Pauleen.

At siyempre pa, may kasama raw parati si Pauleen noong nasa Macau sila.

Kaya malabo raw na masolo siya ni Vic sa Macau.

Itinanggi rin niya ang tsismis na nagpa-secret marriage sila ni Vic sa Macau.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: