Skip to content

CLAUDINE kinailangan daw ipagamot ng mga magulang dahil sa lumalalang ‘SAKIT’

April 26, 2013

Isaclaudine barretto-isa nang umaalingasaw ang  mga baho ng pamilya

‘Barretto sisters mga sosyalerang palengkera!’

HINDI kami magbibigay ng blind item ngayon dahil sa aming palagay ay mas mabuting matilad-tilad namin ang mga isyung kinasasangkutan ngayon ng pamilya Barretto.

Nasa isang higanteng aquarium ngayon ang magkakapatid na Barretto, ang kanilang ina, ang iba pa nilang mga kapatid.

Para silang mga isda ngayon na tinatanaw-sinisilip ng buong bayan dahil sa kanilang pag-aaway na lumalim na nang lumalim at nagdamay na ng marami pang ibang tao.

Ang mga nag-aaway, si Claudine at si Gretchen, kasahog din sa kanilang gulo ang isa pa nilang kapatid na si Marjorie na kung susundan natin ang kuwento ay tahimik na kakampi ni Gretchen.

Sa kanilang pagbabatuhan ng masasakit na salita na para bang magkaibang sinapupunan ang kanilang pinagmulan ay naglabas ng opisyal na pahayag ang kanilang inang si Mommy Inday Barretto.Ang away na dapat ay mababaw lang ay lumalim, nagtanim ng galit kay Gretchen, dahil lumalabas na kumakampi ang kanilang ina kay Claudine.

Madaling unawain ang saloobin ng ina nina Gretchen at Claudine, panaghoy ‘yun ng isang ina tungkol sa mga nag-aaway niyang anak, kapansin-pansin lang na sa halip na maging tulay sa pagitan ng mga nagbabangayan niyang anak ay naging pader pa si Mommy Inday.

Hindi natin salat ang lalim ng samahan nina Mommy Inday at Claudine, hindi rin natin natutukan kung bakit ganu’n na lang ang pagiging matabang ni Mommy Inday kay Gretchen, ang punto lang ng mga nakamasid ay hindi na sana nakihalo pa sa gulo ng kanyang mga anak si Mommy Inday.

At kung sakali mang nakihalo siya, sana’y pinairal ni Mommy Inday ang kanyang pagiging ina, isang babaeng walang kinakatigang sinuman sa mga sanggol na sa kanyang sinapupunan pare-parehong nanggaling.

Ngayon ay para nang bantayog na gumuho ang pamilya, napakagulo ng kanilang sitwasyon, kampi-kampihan na sila ngayon nang nakatunghay ang sambayanan sa kanilang pagkakalat ng mga baho.

Ang magkakapatid na Barretto pa naman ay iniluwa ng showbiz bilang mga edukadong batang personalidad.

Nagsipag-aral sa magagandang paaralan, Inglisan nang Inglisan dahil ‘yun daw ang kanilang lengguwahe sa kanilang bahay, pero dahil sa kanilang lantarang pagbubungangaan ngayon sa harap ng publiko ay para silang mga tindera sa palengke na nag-aagawan ng parukyano.

Ang mga banat ni Mommy Inday kay Gretchen, ang pagtataas niya sa pagkatao ni Claudine para ibagsak naman ang mas nakatatandang aktres, ay hindi naging maganda sa panlasa ng ibang miyembro ng kanilang pamilya.

Umangat at nagsalita si Joaquin, nakatatandang kapatid nina Gretchen at Claudine, ipinaunawa nito kay Mommy Inday ang sitwasyon kung paanong mas pinalaki pa ng kanilang ina ang gawak ng kanilang pamilya.

Ipinagtanggol ni Joaquin si Gretchen, ipinaalala nito kay Mommy Inday ang mga panahong sa halip na mag-aral ay huminto si Gretchen at nag-artista, ang mga responsibilidad ng kanilang mga magulang ay inako ng aktres.

Parang nanunumbat pang sinabi ni Joaquin na kahit minsan man lang ba ay pinigilan ni Mommy Inday sa pag-aartista si Gretchen para harapin ang kanyang edukasyon?

Malungkot na malungkot ang kuya nina Gretchen at Claudine, sana raw ay iniwasan na lang ni Mommy Inday ang pakikihalo sa gulo, para hindi na sana lumala pa nang matindi ang away ng magkapatid.

Nabuyangyang tuloy pati ang pagpapaospital ni Claudine nang dahil sa kakaibang sitwasyon nito, ang bagay na pinakaiingatan nilang lumabas ay kusang sumingaw, kung sana’y nag-isip-isip lang sila sa pagkilos.

Ang mga magulang na mismo ni Claudine ang nagdesisyong ipagamot ang kanilang bunso dahil sa hindi na kagandahang kundisyon nito, idinedenay nila noon ang kuwentong-basement tungkol sa aktres, pero ngayon ay lumabas din ang totoo.

Nakakahiya, sabi ng iba, nakakaaliw silang panoorin habang nagkakalat ng kanilang mga baho, komento naman ng iba pa nating mga kababayan.

Mga sosyal na palengkera.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: