Skip to content

ANGELICA: Oo, tanggap ko na…mas bagay sina JOHN LLOYD at SARAH!!!

April 26, 2013

jonh lloyd cruzTotoo  bang abot-langit na ang nararamdamang selos?

MARAMING kaibigan si Angelica Panganiban ang nag-alala nang makita ang ilang larawan sa kanyang Instagram account – nag-post kasi ang aktres ng picture na hinahalikan niya sa pisngi ang kanyang nanay.

Ayon sa ilang nakakita, inisip nila na baka raw may pinagdaraanan ang kanyang mommy, meron namang nagsabi na baka raw may malala itong sakit.

At sa interview kay Angelica ng Cinema News, inamin niyang may pinagdaraanan nga kanyang ina.

“May pinagdadaanan lang. Siyempre bilang anak nandu’n ako lagi sa tabi niya.

Okay naman lahat, mas nakakapag-bonding kami,” paliwanag ng Kapamilya actress.

At siyempre, nang malaman nga raw ito ng kanyang boyfriend na si John Lloyd Cruz, “Bilang boyfriend, gusto niya nandoon siya sa tabi ni Mommy,” pahabol pa ni Angelica pero hindi na niya idinetalye kung ano ba talaga ang problema ng kanyang madir.
Itinanggi naman ni Angelica ang mga kumakalat na chika na inggit na inggit siya sa ka-loveteam ni Lloydie na si Sarah Geronimo.

May mga nagsasabi kasi na hindi raw niya matanggap na mas tanggap ng publiko ang tandem nina John Lloyd at Sarah kesa sa loveteam nila ni Lloydie.

“Nakakakilig nga, e! Nakakatuwa.

Talagang pinatunayan nilang dalawa na walang makakatalo sa kanila,” ang sabi pa ni Angelica patungkol sa super success na tinamo ng “It Takes A Man nd A Woman”.

“Selos? Hindi, ‘no! Mahirap naman pagselosan, saka baka makalaban ko buong mundo kapag nagselos ako.

Tsaka, oo, tanggap ko na rin na mas bagay sila kaysa kami,” nangingiting pahayag pa ng aktres.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: