Skip to content

KIM abot-langit pa rin ang pagmamahal kay GERALD, diring-diri naman kay MAJA

April 24, 2013

kim chiuIpinakita lang ni Kim Chiu na talagang mahal na mahal pa rin niya si Gerald Anderson at diring-diri pa rin siya sa dati niyang best friend na si Maja Salvador.

I’m sure alam n’yo na ang naging emote ni Kim sa The Buzz last Sunday, di ba?

Mangiyak-ngiyak pa itong nagpa-interview habang naglilitanya ng tunay niyang saloobin tungkol sa ex-boyfriend niyang si Gerald at dating confidente na si Maja na magkarelasyon na nga ngayon.

Ang basa namin diyan, talagang in love pa rin to the maximum level ang isa sa mga bida ng number one primetime series ng ABS-CBN na Ina Kapatid Anak kay Gerald.

Kasi, kung totoong naka-move on siya, aba, wala nang epekto sa kanya kung magpakasal pa sina aja at Gerald, di ba?

Pero iba nga ang nakikita ng mga tao.

Kaya pala kahit anong gawing panunuyo ng kanyang ka-loveteam sa Ina Kapatid Anak na si Xian Lim ay hindi pa rin niya ito sinasagot dahil si Gerald pa rin ang laman ng kanyang puso.  Ang sey ni Kim, “It’s easy to forgive, siyempre madaling magpatawad, pero mahirap kalimutan yung ginawa nila.”

And reading between the lines, talagang matatagalan pa siguro bago niya mapatawad sina Gerald at Maja.

Ano nga kaya ang pwedeng gawin nina Maja at Gerald para mapatawad na sila ni Kim?

Pero marami naman ang humahanga sa pagiging professional ni Kim, imagine kahit galit siya kay Maja, nagagawa pa rin niyang sikmurain ito sa taping ng Ina Kapatid Anak?

At bibilib ka rin kay Maja, dahil kahit alam niyang imbiyerna pa rin si Kim sa kanya, ay dedma lang, as in kering-keri pa rin niyang makaharap ito at makatrabaho! Bongga, di ba?

Kaya no wonder, wala pa rin talagang nakakatalo sa seryeng Ina Kapatid Anak pagdating sa ratings game.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: