Skip to content

ANNE mabentang-mabenta, maraming tv commercial dahil sa pagiging ‘LUKA-LUKA’

April 24, 2013

anne curtisNATAWA kami sa tinuran ng mga executives ng Doublemint Gum nang sabihin nilang ang pagiging “luka-luka” (read: kikay, very cool, outgoing) daw ni Anne Curtis ang rason kung bakit hindi sila nagdalawang-isip para kunin itong endorser ng kanilang produkto.

“Siya ang laging pasimuno ng saya at nagbabahagi ng good vibes sa barkada.

Ipinapamalas niya kung ano talaga ang ibig sabihin ng happiness dahil talagang game na game siya,” saad ni Mary Rose Zamora, ang senior product manager ng naturang produkto.

“Of course I’m doubly flattered and happy.

Una, talaga namang ngumunguya ako ng Doublemint since the time I can remember.

Sa mga nakaranas ng magandang kabataan, paano natin makakalimutan yung nilalaro natin ang chewing gum at pinalolobo pa natin?

“But now, this product is not only for fun dahil alam naman nating may benefit ang pag-chew sa ating digestive system,” tsika ni Anne, sabay amin na kahit sa mga movie scenes niyang kailangan siyang makipaghalikan sa kapareha niya ay habit na niyang ngumuya ng gum kahit nakapag-toothbrush at mouthwash na siya.Still on Anne, masaya rin nitong ibinalita na parte pa rin ng mga jokes nila sa bahay si Sam Milby.

Inamin nitong very close pa rin siya sa ex-BF niya, pero talaga lang daw may mga bagay na nauugnay dito lalo pa’t isang Sam din ang nali-link sa kapatid niyang si Jasmin.

Ang tinutukoy namin ay si Sam Concepcion.

“Minsan nga nalilito ang dad ko pag nagtatanong kapag naririnig niya ang name na Sam kapag may mga lakad na magkakasama kami.

Kung nagkataon pala, sa iisang name lang kami na-involve ng sister ko.

But I can assure you na very much happy and okay kami ng BF kong si Erwan (Heussaff) and Sam will always be a friend,” sey pa nito.

Pero nang tuksuhin itong nakikita ba niyang soon ay baka magkaroon ng double wedding sa pamilya nila, Anne was quick to say, “Naku huwag naman.

Masyado pang bata ang kapatid ko. Hindi ko papayagan at hindi mangyayari iyan.

No offense meant kay Sam (Concepcion), he is a good boy pero masyado pang maaga at bata pa sila para sa mga ganyan.

Hello, magtigil nga kayo! Ha-hahaha!”

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: