Skip to content

VICE GANDA magaling magtago ng dyowa, wala talagang balak ipakilala sa publiko

April 23, 2013

vice gandaMas mabuting hindi na lang daw makilala ng  mga tao

Nakakaaliw ang bagong kanta ni Vice Ganda na “KaraKaraka” na talagang trending na ngayon sa lahat ng social networking sites.

Hindi pa man naire-release ang bagong album ng TV host-comedian ay nanguna na agad ito sa Philippine online musical portal na MyMusicStore.com.ph kung saan kasama niya ang Pinoy rapper na si Smugglaz.

Tulad ng kanyang debut album sa Star Records, kaabang-abang din ang fun-filled music video ng “Karakaraka” kasama ang ilan sa malalapit na kaibigang player na sina Kiefer Ravena, Eric Tai, Andrew Wolff, Chris Ervingham at sina Jeron at Jeric Teng mula sa direksyon ni Raffy Francisco.

Bukod sa “Karakaraka” kukumpleto sa self-titled album ni Vice ang mga awiting “Manhid Ka”, “Hindi Siya Kundi Ako”,  “Dahil Mahal Na Mahal Kita” at “Akin Ka Na Lang” kasama ang 5th Wave Theory member na si Migo Senires.

Abangan ang paglabas ng self-titled album ni Vice Ganda sa record bars sa buong bansa sa Abril 30. Maaari nang ma-download ang “Karakaraka” sa http://www.mymusicstore.com.ph at iTunes.

Samantala, tungkol naman sa lovelife ni Vice, matipid pa rin ito sa pagdedetalye kung sino talaga ang boyfriend niya.

Ang lagi lang niyang sinasabi ay maligaya ang personal niyang buhay.

Mas okay na raw ‘yung walang alam ang publiko tungkol sa kanyang buhay pag-ibig para mapanatiling pribado ang kanyang pakikipagrelasyon.

Ayon pa kay Vice, hindi naman kailangang ibandera niya kung sino ang lalaking nagpapasaya sa kanya, ang mahalaga, patuloy niyang nabibigyan ng kasiyahan ang kanyang mga tagasuporta.

May idea naman kami kung sino talaga ang boyfriend ni Vice, pero hangga’t hindi niya ito pinapangalanan ay hindi rin namin sasabihin kung ano ang alam namin.

He-hehehe! Irespeto na lang natin ang kanyang pananahimik.

Nauna nang idinenay ni Vice na karelasyon niya ang isa sa miyembro ng G-Force.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: