Skip to content

Mawawasak ang career ni DANIEL PADILLA kung…

April 23, 2013

daniel and kathrynMay mga nakakausap kaming dating tuwang-tuwa kay Daniel Padilla na medyo tinatabangan na ngayon.

Hindi raw nila nagustuhan ang tabas ng dila ng young singer-actor tungkol sa intrigahan nila nina Elmo Magalona at Julie Anne San Jose.

May patutsada kasi nu’n si Daniel na bakit, nagkaroon na raw ba ng concert sa Smart Araneta Coliseum ang dalawa?

May napatunayan na raw ba ang mga ito sa pelikula?

May album na raw ba si Elmo?

Siguro’y inapuntahan na ng inis si Daniel kaya niya nasabi ang ganu’n, pero sana’y nag-iisip-isip din muna siya bago magbitiw ng mga salita, dahil isa na siyang isda sa aquarium ngayon na ang bawat galaw niya’y sinisipat ng publiko.

Komento ng aming kausap, “Huwag sana siyang maging hambog, napakaaga pa. Iisang kanta pa lang naman niya ang naririnig natin, hindi pa kanya talaga, revival lang.

“Sa pelikula naman, e, sahog lang ang loveteam nila ni Kathryn Bernardo, hindi pa niya puwedeng ipagyabang ‘yun.

May makapagsabi sana kay Daniel na huwag nang pinapatulan pa ang mga intrigang ibinabato sa kanya.

“Sayang siya, iniidolo pa naman siya ng mga kabataan ngayon, baka bukas-makalawa, e, wala na rin siya dahil sa kayabangan niya,” pahayag ng aming kausap.

Hindi sa ipinagtatanggol namin ang young actor, pero nasaksihan kasi namin ang kanyang paglaki, alam namin ang ugali ni Daniel at lalong hindi namin puwedeng paniwalaan ang kuwentong yumabang na siya.

Palagi kaming naniniwala sa naturalesa ng isang tao.

Kung sakali mang nakapagsalita siya ng ganu’n, siguro’y dahil punumpuno na talaga siya, pero ang sabihing yumabang na si Daniel Padilla ay haharangan namin dahil natural siyang mabait at mapagkumbaba.

Pero tulad ng iba ay isa lang ang aming hiling.

Huwag sana siyang magpapaapekto sa mga tili at palakpak na tinatamasa niya ngayon.

Huwag.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: