Skip to content

ANGEL LOCSIN: Walang magaganap na kasalan!

April 23, 2013

angel locsinMARIING itinanggi ni Angel Locsin na magpapakasal na sila ni Phil Younghusband.

Na-shock nga raw ang aktres nang makarating sa kanya ang balita.

Sa isang interview sinabi ni Angel na wala pa silang plano ni Phil na lumagay sa tahimik,

“Ang daming nagtatanong sa akin kung magpapakasal na ako.

Hindi ko talaga alam kung paano ito…nu’ng narinig ko ito, hindi ko alam, hindi ako maka-react pa.

“Siyempre, kung may taong mahal mo na very vocal sa nararamdaman niya, nakakakilig naman talaga, di ba? Kinikilig lang ako.

Ayoko munang isipin kasi wala namang intensiyon yata…wala pa,” ang paliwanag ng aktres.

Pero umaasa si Angel na sila na nga ni Phil ang magkakatuluyan pagdating ng panahon,  “Sa ngayon, gusto kong isipin na oo, oo.

Masaya talaga kami and yung happiness na ibinibigay niya kasi sa akin, ibang klase rin talaga.

“Napakabait na tao ni Phil talaga and napaka-blessed ko na naging parte siya ng buhay ko.

Alam ninyo naman ako, as much as possible sana, yung pribadong buhay ko, yun muna yung sa akin,” chika pa ni Angel.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: