Skip to content

ANGELICA: Ay, huwag bukas may taping ako! sa sabado, pwede na!

April 22, 2013

john lloyd angelKung yayayain na siyang magpakasal ni John Lloyd…

‘Wala kaming away ni Angel Locsin!’

KASAMA pala dapat si Angelica Panganiban sa pelikulang ginagawa ngayon nina Angel Locsin, Bea Alonzo, Shaina Magdayao, Enchong Dee, Sam Milby at Toni Gonzaga na ipalalabas na ngayong Mayo para sa Mother’s Day presentation ng Star Cinema mula sa direksyon ni Cathy Garcia Molina.

Ayon kay Angelica ay hindi raw niya kayang pagsabayin ang taping ng Apoy Sa Dagat at shooting ng pelikula.

“Nu’ng gagawin na kasi siya (pelikula), kakatapos ko lang ng ‘One More Try’ and pa-ere na rin kami (sa Apoy sa Dagat), and nu’ng na-experience ko na ‘yung bigat nitong show and gumagawa ka pa ng pelikula, sinabi ko sa Star Cinema na hindi kayang pagsabayin ang soap at ang pelikula.

“Tinanggap naman nila, maganda naman ‘yung pag-uusap namin, and I’m sure, okay naman sila, kaya naman nila,” kuwento ng leading lady nina Piolo Pascual at Diether Ocampo sa Apoy Sa Dagat.O baka naman kasi sa gap sila ni Angel? “Wala naman,” saad ng dalaga.

Natanong kung plano na nila ng boyfriend niyang si John Lloyd Cruz na magpakasal dahil nabanggit ng gusto nito ng early retirement?

“Hindi pa naman. I think, masyadong personal ang mga ganyang bagay and mahirap ‘yan pag-usapan.

Siguro nakikita naman namin kung doon kami papunta or kung ready na kami,” sabi pa ni Angelica.

Payag na ba ang aktres sa plano ni Lloydie na mag-retiro ng maaga sa career niya?

“I don’t think na ‘yung sinasabi niyang early retirement eh magre-retire na siya bukas or next year, di ba?

Siguro, ang ibig lang niyang sabihin, hindi niya siguro nakikita‘yung sarili niya na puti na ang buhok niya eh nagtatrabaho pa rin siya.”

“Kung anong magiging desisyon niya, kung gusto niyang mag-quit na bukas, eh sige mag-quit ka.

Siya lang ang makapagsasabi nu’n kasi siya lang ang may alam kung kelan siya ready, kung kaya niya, kung ready na siya na magkaroon ng sariling pamilya,” mahabang sabi ni Angelica.

Paano kung bigla siyang yayaing magpakasal na ni JLC?

“Ay huwag bukas (Biyernes), may taping ako, puwede sa Sabado (kahapon), pero kung next week pa, hindi na puwede,” natatawang sabi ni Angelica.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: