Skip to content

BOSSING, MANOY di bayaran, walang tinatanggap na MILYONES kay CHIZ

April 19, 2013

vic eddie garciaMARAMING nagtatanong sa amin kung magkano raw ba ang ibinayad ni Sen. Chiz Escudero kina Vic Sotto at Eddie Garcia at napapayag nitong i-endorse siya bilang isa sa mga kakandidatong senador sa darating na eleksiyon.

Sabi nga ng ilang nakakausap namin, sobrang astig naman daw ng boyfriend ni Heart Evangelista dahil ang dalawa sa mga haligi ng showbiz industry ay nagawa niyang umapir sa TV para sa kanyang kandidatura.

Kaya ang tanong ng bayan, milyones din ba ang ginastos ni Chiz para sa talent fee nina Bossing at Manoy?

Sa pagtatanong namin, sa maniwala raw kayo at sa hindi, wala raw tinanggap na bayad ang dalawang aktor mula sa kampo ni Chiz.

Wala raw itong ginastos na milyones para bayaran sina Bossing at Manong Eddie. Wala raw perang pinag-usapan nang lapitan ng senador ang dalawang sikat na celebrity.

“We didn’t have problems with the endorsements of Manoy and Bossing because they were given for free.

There were no legal paperwork or marketing contracts to sort out.

We just had to work out the schedules for the shoot of the TV commercials,” ang sabi ng isa nating source.

Well, kayo na ang humusga kung may katotohanan nga ang lahat ng ito, pero kung kami ang tatanungin, kilala naman talaga sina Vic Sotto at Eddie Garcia sa kanilang mga prinsipyo, sigurado kaming hindi nila ipagpapalit ang kanilang kredibilidad at malinis na pangalan sa malaking halaga ng pera.

Isa lang ang ibig sabihin nito, hindi naniniwala sina Bossing at Manoy sa mga akusasyon ng magulang ni Heart laban kay Chiz, na kesyo lasenggo, bastos at kung anu-ano pa na mismong si Heart na ang nagsabi na walang katotohanan.

Ha-hahaha! Intrigahin ba talaga? Gatungan pa ba?

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: