Skip to content

RAYMART ayaw ng buntisin si CLAUDINE: mahirap ang buhay ngayon, , ok na ang 2!

April 18, 2013

Claudine and RaymartKung noon type magkaroon ng malaking pamilya, ngayon…

KUNG si Raymart Santiago ang tatanungin, ayaw na muna niyang mabuntis uli si Claudine Barretto.

Bukod daw kasi mahirap na ang buhay ngayon ay gusto rin daw ng aktor na ibigay ang kanilang quality time sa dalawa nilang anak.

Kung tutuusin kasi ay pwedeng-pwede na nilang sundan ang bunsong anak nila na si Santino, five years old na ito at eight naman ang panganay nilang si Sabina.

Pero sey nga ni Raymart, “Masaya na naman ako sa dalawang bata.

Kaya ayoko pang isipin na dagdagan,” chika ni Raymart na magbibida na naman sa bagong teleserye ng GMA 7 na Home Sweet Home.

“Actually, wala pang plano.

For now kasi, parang kuntento na ako.Siguro tingnan natin pagdating ng panahon,” dagdag pa ng Kapuso actor.

Actually, noon daw ay gusto ni Raymart ng malaking pamilya, type niya ang magkaroon ng maraming anak, “Oo, noon iniisip ko malaking family, parang masaya kasi kapag maraming bata sa bahay, pero iba na ang takbo ng buhay ngayon, mahirap na.

“Bukod sa pang-araw-araw na pangangailangan nila, siyempre, lahat ‘yan mag-aaral, ang tuition fee, tsaka kailangan pantay-pantay ang pagtingin mo sa kanila, ‘yung pag-aalaga mo dapat equal ‘yan. Kaya mahirap kapag marami.

“Kapag marami, medyo sa trabaho rin namin, kahit paano, medyo limited din ang time namin sa kanila,” magandang paliwanag ng aktor.

Tungkol naman sa mga anak nilang sina Sabina at Santino, sinabi ni Raymart na mahilig din daw sa showbiz ang mga ito, “Oo, gusto rin nila, e. Lagi ngang nagtatanong tungkol sa trabaho namin.

Tapos dito nga sa Home Sweet Home, tinatanong nila kung pwede silang lumabas.

E, hindi ko naman madiretso na hindi. Ha-hahaha!”

Sinabi ni Raymart hangga’t maaari ay huwag na munang mag-artista ang mga anak, mas gusto niya na makatapos muna sila ng pag-aaral, “Pero sabi nga nila, hindi mo rin mapipigilan kung talagang gusto ng mga bata.

Tingnan na lang natin, baka mapakiusapan pa. Ha-hahaha!”

Tungkol naman kanyang asawang si Claudine na kaliwa’t kanan pa rin ang isyung kinasasangkutan, ayaw nang makialam dito ni Raymart.

Mas mabuti raw na huwag na siyang magsalita.

Ayon sa ulat, hindi na raw interesado ang GMA kay Claudine, at may chika rin na ayaw na sa kanya ng ABS-CBN.

Kaya ang kumakalat na chika, mukhang sa TV5 na raw mapapanood ang aktres very soon..

Inamin ni Raymart na may offer sa isang TV network si Claudine, pero hayaan na lang na ang kanyang misis ang magbalita nito dahil baka raw ma-preempt.

Samantala, makakasama naman ni Raymart sa bago niyang serye sa GMA na Home Sweet Home si Roxanne Guinoo na gaganap bilang asawa niya, ang magdyowang Rochelle Pangilinan at Arthur Solinap, Celia Rodriguez, Gladys Reyes, Patrizia Ismael, Jake Vargas, Bea Binene, Arkin Magalona at marami pang iba.

Magsisimula na ito sa Lunes bago mag-24 Oras sa direksiyon ni Gil Terada.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: