Skip to content

KRIS tuloy na ang pag-alis sa ABS-CBN, ibubuhos ang oras kina JOSH at BIMBY

April 18, 2013

kris aquinoPagkatapos makipag-meeting  sa mga bossing ng Dos

MATAPOS ngang makipag-meeting ang Queen of All Media na si Kris Aquino sa mga executives ng ABS-CBN, isang pansamantalang resolusyon ang napagkasunduan ng magkabilang panig tungkol sa pagre-resign ng TV host-actress sa kanyang mga show.

Kung matatandaan, nag-announce si Kris na magre-resign na sa lahat ng programa niya sa ABS-CBN para maituon niya ang kanyang buong panahon sa kanyang mga anak na sina Joshua at Bimby. Ito’y nag-ugat naman sa iskandalong kinasangkutan nila ng kanyang dating asawang si James Yap.

Pinayagan ng mga executive ng Dos si Kris na magbakasyon muna at magpahinga sa paggawa ng mga TV show.

Pero nakiusap sila na huwag na munang magbigay ng resignation letter at pag-isipan muna nang mabuti ang tungkol dito.

Narito ang kabuuan ng official statement ng ABS-CBN sa planong pagpapahinga ni Kris sa showbiz mula kay Bong Osorio, Head, ABS-CBN Integrated Corporate Communication. “Ang pamunuan ng ABS-CBN at si Kris Aquino ay nagkaroon ng magkakasunod na meetings para pag-usapan ang kanyang intensyong mag-resign.

“Nauunawaan ng ABS-CBN ang kagustuhan ni Kris na maging isang mabuting ina sa kanyang mga anak na sina Bimby at Josh.

Ngunit sa kabilang banda ay pinahahalagahan din ng network si Kris bilang isang iconic talent at respetadong media personality sa bansa.

Kinikilala naman ng ABS-CBN at ni Kris ang responsibilidad niya sa publiko, sa kanyang mga katrabaho, at sa mga advertiser.

“Kaya matapos ang masusing pag-uusap, sumang-ayon si Kris na pansamantala na munang mag-leave upang magkaroon siya ng panahon sa kanyang anak na si Bimby ngayong Hunyo habang ito’y nakabakasyon sa eskwela, at para madala na rin niya si Josh sa ibang bansa upang maisulong ang kanyang developmental progress.

“Pagkatapos ng kanyang leave haharaping muli ni Kris ang mga responsibilidad niya sa ating mga kapamilyang patuloy na tumatangkilik at sumusuporta sa kanya, at tutuparin ang kanyang contractual commitments sa ABS-CBN ng hindi naaapektuhan ang kanyang mahalagang tungkulin bilang isang ina.”

Speaking of Kris’ projects sa ABS, ngayong Biyernes (pagkatapos ng Apoy Sa Dagat) na ang pagtatapos ng kanyang teleseryeng Kailangan Ko’y Ikaw kasama sina Robin Padilla at Anne Curtis sa Primetime Bida.

Ngayong unti-unti nang natutuklasan ni Bogs (Robin) ang pagkakasangkot ng pamilya ni Roxanne (Kris) sa iba’t ibang krimen.

Makakamit na nga ba ni Bogs ang inaasam na hustisya para sa kanyang ama?

Kaya nga bang isuko ni Ruth (Anne) si Red (Ian Veneracion) sa mga awtoridad ngayong alam na niya na ito ang tunay niyang tatay?

May kinakailangan pa nga bang magsakripisyo ng buhay para sa katahimikan ng pamilya nina Bogs, Ruth, at Roxanne?

Huwang palampasin ang finale ng Kailangan Ko’y Ikaw bukas ng gabi sa Primetime Bida ng ABS-CBN.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: