Skip to content

KRIS ibubuking ang lahat ng mga kurakot at walang silbing POLITIKO

April 17, 2013

kris aquinoKapag nanalong Vice-President sa 2016 elections…

James Yap bawal pumunta sa b-day party ni Bimby

MARAMING pumuri sa pagiging 2011 top taxpayer ni Kris Aquino sa bansa dahil ibig sabihin daw ay hindi siya nandaya sa pagbubuwis sa mga kinita niya – isang magandang ehemplo raw ang TV host-actress sa lahat ng mga Pinoy.

Pero hindi lahat ay positibo dahil may ilan pa ring nangnenega sa kanya, “Sisiw lang naman kay Kris ang ibinayad niya sa laki ng kinikita niya, tama lang magbayad siya para may magamit para sa mga sirang kalye.”

Sana lang mapunta ang mga ibinayad nating buwis sa tamang proyekto ng pamahalaan at hindi sa bulsa ng mga pulitikong walang alam kundi ang magnakaw sa kaban ng bayan.

Sa pagiging tapat ng Queen of All Media ay may nagsabi namang, “Sana nga ituloy na ni Kris ang pagtakbo niya bilang Bise-Presidente ng bansa dahil tiyak na hindi siya kurakot at sana ibuking niya lahat ng nangungurakot na pulitiko para umunlad naman ang Pilipinas.”Anyway, nakipag-meeting na pala si Kris sa ABS-CBN management kasama ang manager niyang si Deo T. Endrinal noong Lunes pero wala pa kaming nakukuhang detalye kung ano ang resulta ng kanilang pag-uusap.

As of now ay hindi pa nagpapa-interview si Kris dahil bisi-bisihan siya ngayong buong linggo tulad noong Lunes, nag-taping agad siya ng tatlong episodes ng Kris TV, kasabay ng meeting niya with ABS-CBN executives, kahapon naman ay may state lunch siya sa Malacañang, ngayong araw ay may meeting siya with her lawyers dahil may court hearing siya bukas at sa Biyernes.

Sa Biyernes na rin ang matatapos ang Kailangan Ko’y Ikaw na sinasabing huling serye na rin daw ng Queen of All Media dahil nagsabi na siyang resigned na siya sa kanyang showbiz career, unless nabago muli ang desisyon ng TV host.

Sa Sabado naman gaganapin ang 6th birthday party ng bunso niyang si Bimby, pagkatapos ay diretso na siya sa live telecast ng Pilipinas Got Talent Season 4 hanggang Linggo.

Ang tanong, pwede kayang dumalo si James Yap sa party ng kanyang anak?

Pero kung mahigpit na ipatutupad ang utos ng korte, hindi pa pwedeng lumapit ang PBA player kay Bimby.

Pero kung lalambot ang puso ni Kris, posibleng pagbigyan niyang pumunta sa party ang ama ng kanyang anak.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: