Skip to content

EULA naglalaway kay GABBY: Sa wakas, nahalikan ko na siya!

April 17, 2013

eula valdezParang teenager si Eula Valdes habang ibinabalita sa entertainment press na natupad na ang isa sa mga ultimate dream niya bilang artista.

Tuwang-tuwa ang aktres nang malaman niya na magiging leading man niya ang super crush niyang si Gabby Concepcion sa bagong proyekto ng TV5, ang Cassandra: The Warrior Angel.

“Niloloko ko nga siya, kasi sabi ko isa siya sa mga dahilan kung bakit ako nag-artista,” pag-amin ni Eula nang humarap sila ni Eula Caballero (gaganap na anak niya) sa presscon ng Cassandra kamakailan.

Dagdag na kuwento pa ng bagong Kapatid actress, “Kasi nu’ng time na sila ni William Martinez ‘yong sikat na sikat, high school ako no’n, sila ‘yong crush ko.

Sinabi ko nga sa kanya na noong araw pinapanood ko lang siya.”

“This time nahalikan ko na siya! May kissing scene na kami!” natatawang chika pa ng aktres.

Ang Cassandra ay sequel ng nagtapos na horror series na Third Eye na pinagbidahan nga ni Eula Caballero. Kuwento ng young actress, “Bale dito po sa Cassandra: The Warrior Angel, malalaman na nila kung bakit ako nagkaroon ng kapangyarihan, malalaman ‘yong pinagmulan ko.”

“Kasi sa Third Eye po ipinakita lang na lumaki ako sa lolo ko, pero walang explanation kung bakit gano’n ‘yong kapangyarihan ko,” sey pa ni Eula C.

Makakasama rin sa Cassandra The Warrior Angel sina Victor Silayan, JC de Vera at ang kontrobersiyal na ex-boyfriend ni Andi Eigenmann na si Albie Casiño na dating talent ng Star Magic ng ABS-CBN.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: