Skip to content

CLAUDINE ‘pinagbantaan’ ang anak ni MARJORIE

April 17, 2013

claudine barrettoMatagal nang magkakampi ang magkapatid na Gretchen at Marjorie Barretto sa lahat ng laban.

Anuman ang maganap, sinuman ang makabangga ng kahit sino sa kanilang dalawa, maaasahan nang magkahawak-kamay ang magkapatid.

Kahit sa kanilang engkuwentro laban sa bunso nilang kapatid na si Claudine ay matagal nang magkakampi sina Gretchen at Marjorie, nagkaroon nu’n ng pagkakataon na si Gretchen ang nakabangga nina Marjorie at Claudine, pero sa bandang huli ay sina Gretchen at Marjorie pa rin ang lumulutang na talagang magkabagang sa magkakapatid.

Mukhang sa mga panahong ito ay meron na namang hidwaan ang magkakapatid.

Magkakampi uli sina Gretchen at Marjorie, kalaban na naman nila ang bunsong si Claudine.

Ayon sa aming source ay may kinalaman ‘yun sa pagpasok sa showbiz ng anak nina Dennis Padilla at Marjorie na si Julia, napakaganda ng teenager na anak ng nagkahiwalay na mag-asawa, mag-aartista na talaga ito ngayon at magpapaalaga rin sa Star Magic.Mukhang naamuyan nina Gretchen at Marjorie na may kung anong pinagsasasabi si Claudine tungkol du’n, haharangan kuno ng bunsong Barretto ang pag-aartista ni Julia; lalo na ang pag-entra ng dalagita sa Star Magic kung saan nagreyna-reynahan nu’n si Claudine.

‘Yun na! Nagsimula na uli ang “giyera” sa pagitan nina Gretchen at Marjorie kontra kay Claudine.

Meron na namang mga parunggitang nagaganap ngayon at sa pananaw ng mas nakararami ay pinagtutulungan ng mag-utol ang kanilang bunsong kapatid.

Ang mga Barretto pa naman kapag nag-aaway, napakasosyal ng kanilang mga parunggitan, para silang mga palengkerang nakabihis lang at kuntodo alahas.

Nakakaaliw silang tingnan, nakukuha nila ang atensiyon ng publiko sa kanilang mga sosyal na pagbabangayan, pero ang nakatutuwa ay magkakakampi pa rin silang tatlo kapag iba na ang kanilang kalaban.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: