Skip to content

SARAH: Iba ‘yung reward na ibibigay ng diyos kapag sinunod mo ang mga magulang mo!

April 16, 2013

sarah geronimoSa wakas, napanood na rin namin ang “It Takes A Man and A Woman”. Ha-hahaha! In fairness ha, ilang beses din kaming umiyak sa mga madadramang eksena nina Sarah Geronimo at John Lloyd Cruz.

Tama nga ang mga narinig naming feedback, parehong magaling sina Lloydie at Sarah sa pelikula.

At pwedeng-pwede talagang magkaroon ng acting award.

Halatang napakalalim na rin ng pinaghuhugutan ni Sarah sa mga seryosong eksena nila ni Lloydie.

Talagang “pinagkakitaan” nga ng Pop Princess ang mga minalas niyang pakikipagrelasyon noon kina Rayver Cruz at Gerald Anderson.

Ha-hahaha!

Sa The Buzz din noong Linggo nagpasalamat si Sarah sa milyun-milyong Pinoy na nanood ng kanilang pelikula.

Aniya, “Sabi ko nga pagkatapos na naming gawin yung pelikula, natapos na yung dubbing at sigurado lang ako, na mas mamahalin nila itong si Miggy at si Laida. “Siyempre hoping na malagpasan, ma-surpass, pero sabi ko ok na ko kasi napakaganda ng material namin.

Maipagmamalaki talaga,” sey pa ni Sarah.

Kakaiba talaga ang chemistry ng dalawa, at mas lumalim pa nga ito dito sa huli nilang pagsasama, ano sa tingin niya ang sikreto ng kanilang tambalan? “Hindi ko rin alam.

Si Lloydie kasi yung taong mabilis matuwa sa isang tao. Sa tingin ko yun lang yun.”

Tinanong din si Sarah kung may wish pa ba siya ngayon sa kanyang buhay matapos ang sunud-sunod na success ng kanyang career, “Pagdating sa success mo, sa career mo, kung ano ang ibinibigay mo sa tao naibabalik sa yo, sobra-sobra pa.

“D’un ko siya tinitignan.

Siyempre may mga bagay na personal, na sa sarili lang natin yun pero, tingnan mo na lang kung ano yung sobra-sobrang ibinibigay sa ‘yo ng Diyos.

Reminder na ‘di mo na kailangan maghanap pa…tao lang tayo.

Alam mo yun lahat tayo mayroon nung ‘ay…’ may mga ganu’n, pero di po lovelife ito ha. Mas personal.”

At feeling ni Sarah, ang mga tagumpay niya ngayon ay dahil na rin sa pagiging mabuti at masunurin niyang anak, “Iba yung reward na ibibigay ng Diyos sa iyo kapag sinusunod mo yung mga magulang mo.”

After ng blockbuster hit movie nila ni Lloydie, magiging busy na uli si Sarah sa malapit na pagsisimula ng kanyang drama series na Sarah G Presents kung saan iba-ibang Kapamilya leading man ang makakatambal niya bawat linggo, at ang reality singing search na The Voice kung saan magsisilbi siyang mentor-judge ng mga mapipiling contestants along with Lea Salonga, Bamboo and Apl.de.Ap.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: