Skip to content

AI AI niregaluhan ng kotse ang asawa sa halagang P7.3-M

April 16, 2013

aiai delas alasGAANO katotoo na binilhan daw ni Ai Ai delas Alas ng Porsche sports car ang asawang si Jed Salang kamakailan?

Kuwento sa amin ng isang taga-Porsche, binilhan daw ni Ai Ai si Jed ng kotseng Porsche na nagkakahalaga ng P7.3 million at take note, bossing Ervin, binayaran daw ng Comedy Concert Queen ang kotse in cold cash.

Kaya nga lang, hindi na ikinuwento sa amin ng source ang detalye, ang sabi lang sa amin, “Ang suwerte ni Jed, ang gara ng kotseng regalo sa kanya ni Ai Ai at cash ang bayad, hindi hulugan.  Ka-suwerte naman ni Jed.”

Baka regalo ito ni Ai Ai kay Jed dahil nga bagong kasal sila na ginanap sa Venetian Hotel, Las Vegas Nevada noong Abril 3 ng hapon. Ano naman kaya ang regalo ni Jed sa kanyang generous na misis?

Pero ang tsika naman sa amin ng isang kaibigan ni Ms. A, “Ay hindi ‘yun kay Jed, kay Ai Ai mismo ‘yun, kasama lang si Jed na bumili kaya nga nakapangalan ‘yun kay Ai Ai mismo maski i-tsek pa sa papeles.”

Sa madaling salita, regalo ni Ai Ai sa kanyang sarili ang nasabing sasakyan?

Sabagay, mahilig naman talaga sa European car si Ai Ai kaya hindi kataka-takang  bumili siya ng Porsche, ‘yun nga lang sino ang magda-drive para sa kanya, e, di si Jed pa rin.

Kakabili lang ng TV host-actress ang nasabing mamahaling sasakyan kaya hindi pa niya ito naisama nang mag-file siya ng 2011 Income Tax in case malaman ito ng BIR.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: