Skip to content

SARAH: Masarap ma-inlove pero hindi pa mangyayari sa akin ‘yan ngayon!

April 14, 2013

sarah and john lloydSa halikan nila ni Lloydie: Uy, totoo ‘yun, walang dinaya du’n!

MAS lalo pang nag-bloom si Sarah Geronimo ngayon.

Ang ganda-ganda ng aura ng Pop Princess nang makita namin sa presscon ng bagong reality singing search ng ABS-CBN na The Voice of the Philippines na magsisimula na sa darating na June. Isa si Sarah sa magiging judge-mentor sa nasabing programa.

Makakasama ni Sarah sa The Voice bilang mentor-judge sina Lea Salonga, Bamboo at Apl.de.Ap. Magsisilbing host naman si Toni Gonzaga with Robi Domingo.

Natanong si Sarah tungkol sa kissing scene nila ni John Lloyd Cruz sa “It Takes A Man And A Woman” na certified blockbuster na ngayon. May mga nagsasabi kasi na dinaya lang ang halikan nila ni Lloydie sa movie dahil hinarang na naman daw ng kanyang inang si Mommy Divine.

“Sinong may sabing hindi natuloy?!

Nag-kiss kami! Maniwala po kayo, dito ‘yon (sabay turo sa gilid ng lips niya).

Maniwala po kayo, ilang takes po ‘yon,” depensa ni Sarah.

Say pa ng Pop Princess, natutuwa siya na si John Lloyd ang naging first kiss niya sa harap ng camera, regalo na rin daw niya ‘yun sa kanilang fans.

“Siyempre, wala na po akong maiisip pang leading man na I’m comfortable doing it with.

It’s no other than John Lloyd Cruz,” esplika pa ng dalaga.

E, ano naman ang sey ng kanyang Mommy Divine sa halikan nila ni John Lloyd? “Siyempre, issue ‘yang kiss na ‘yan.

Lokohan lang ‘yon!” sabay tawa ni Sarah. “Hindi ko naman siya tinanong.

Wala pa namang reaksiyon. Kilala naman na ako ng mommy ko,” sey pa niya.

Tungkol naman sa issue ng diumano’y pagseselos ni Angelica Panganiban kay Sarah, partikular na raw doon sa pangungulit at panggigigil niya kay John Lloyd habang ginagawa ang huling eksena nila, wala naman daw dapat ipagselos ang dyowa ni Lloydie. Nauna nang nagdenay si Angelica tungkol sa selosan issue.

“Totoo naman, I have so much respect for Ate Angelica Panganiban.

There was a time na naging close kami, hindi nga lang talaga ‘yung physically na nagkakasama kami, pero nakakapag-exchange kami ng text messages noon at bina-value ko ‘yon up to this day,” paliwanag pa ng Pop Princess.

At tulad din ng naging tugon ni John Lloyd tungkol sa pagkakaroon ng part four ng kanilang pelikula, sey ni Sarah, “If could come up with a better material than sa ginawa namin sa It Takes A Man And A Woman, bakit hindi?”

Pero aniya, mas okay daw kung ibang pelikula na ang gagawin nila, ‘yung hindi na konektado sa istorya nina Laida Magtalas at Miggy Montenegro, “Bilang individual actors, ayaw ko namang ma-stuck kami sa franchise na ‘yon para may growth din at para ma-explore din namin ang maraming genres ng acting.

“Hindi ba, marami pang istorya na pwedeng gawing pelikula so sana hindi naman kami ma-stuck doon,” dugtong pa niya.

And as for her lovelife, “Wala naman po.

Wala naman po akong tinatanggihan na thought of being in love. ‘Yang pagiging in love, napakasarap niyan.

It’s just that it’s not happening right now.

“Sana po, I hope na when it happens, it’s for real,” chika pa ng dalaga.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: