Skip to content

Phil Younghusband nahablutan ng cellphone sa QC

April 14, 2013

Ni Leifbilly Begas
NAHABLUTAN ng cellphone ang football player na si Philip James Younghusband habang nasa kanyang sasakyan sa Quezon City.
Ayon sa ulat ng pulisya, nakaupo sa likurang bahagi ng sasakyan si Younghusband, ng Don Antonio Ave, Don Antonio Royale Estate, Brgy. Old Balara.
Bahagya niyang ibinaba ang bintana habang ang kanyang sasakyan ay mabagal ang takbo dahil sa mabagal na usad ng trapiko sa kanto ng Tandang Sora Ave., malapit sa Capitol Hills, Brgy. Old Balara alas-9 ng gabi noong Miyerkules.
Nagsabwatan umano ang tatlong lalaki sa paghablot sa kanyang cellphone at agad silang tumakbo patungo sa isang eskenita.
Humingi ng tulong ang biktima at nahuli si Leo Corpuz, 18, ng Purok Dagohoy, Brgy. UP, makalipas ang ilang oras.
Dinala si Corpuz sa Batasan Police station at doon sinampahan ng kasong robbery snatching.
No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: