Skip to content

POKWANG: Hindi naman talaga ako choosy…nag-iingat lang!

April 13, 2013

pokwangAyaw pa ring sagutin ang manliligaw na British chef

‘Pero gusto kong magkaanak ng iba ang lahi!’

VERY open ang komedyanteng si Pokwang sa nag-iisa niyang anak na si Maye.

Na pati ang mga manliligaw niya ay ‘di sinisikreto ni Pokwang sa anak.

Tulad na lang ng bago niyang suitor na taga-London na nakatsikahan lang niya sa internet.

Pero dahil mukhang tinamaan ng husto kay Pokwang kaya sumugod ng Pilipinas para personal siyang makilala.

“Kung alam niya na artista ako rito? Nu’ng una hindi ko sinabi sa kanya.

Nu’ng na-meet niya ako wala rin siyang alam tungkol sa akin sa showbiz.

Ang tawag niya sa akin Marietta,” with a British accent na pagmumuwestra ni Pokwang.Pero nu’ng nakapag-usap na raw sila ng British na suitor niya saka niya sinabi kung ano ang trabaho niya, “Tinanong na niya kung ano ‘yung trabaho ko.

Parang napakasinungaling ko naman kung gagawa ako ng istroya.

Malalaman at malalaman din naman niya kaya sinabi ko na sa kanya,” kwento ni Pokwang.

Sad to say, hindi sila nakapag-date ng suitor niya.

Pero nag-dinner daw sila bago bumalik ng London ‘yung guy.

Mahusay na chef sa bayan niya ang bagong manliligaw ni Pokwang.

At dahil very minimal lang ang days na ipinamalagi sa Pinas nu’ng guy, wala ng time para ipatikim nila ang paborting luto nila para sa isa’t isa.

“Walang time na magluto siya dahil nga gusto niyang mapuntahan ang Palawan.

So, dumiretso siya ng Palawan,” sambit ni Pokwang.

Maghintay na lang daw kung kailan magpo-propose ‘yung guy kay Pokwang, “Maghintay tayo, tingnan po natin.

Hindi naman ako choosy, e. Naging wiser lang ako.”

Natanong tuloy namin si Pokwang kung pangarap ba niya ang magkaroon ng anak sa isang Briton, “Oo naman, ‘yung ganu’ng lahi, okey ako.

Kwarenta na ako pero pwede pa,” diin niya.

Pero teka, ano kaya ang kailangang gawin nu’ng guy para mapasagot si Pokwang?

“Ah, ano ba? Paano ba? Hindi ko rin naman alam.

Approved na rin naman siya sa anak ko.

Ah, siguro tumira muna siya rito kahit three months para mas makilala ko pa siya.”

Kasundo nga raw ng anak ni Pokwang ‘yung manliligaw niya dahil parehong mahilig sa pagluluto.

In fact, naka-enroll na isang mamahaling culinary school sa Taguig anak ni Pokwanng for her college degree.

Plano ng anak ni Pokwang na maging independent na habang nag-aaral sa Taguig.

Uupa raw si Maye ng condo sa Taguig kasama ang isa niyang kaibigan para malapit siya sa eskwelahang papasukan.

Approved at suportado naman ni Pokwang ang anak sa plano niya.

“College na siya sa pasukan. Kaya goodluck talaga sa kanya.

Pinakamahal na school sa culinary kaya lahat ng raket ko doon mapupunta,” tsika ni Pokwang.

Incidentally, malapit na ang pinaka-riot na comedy show ng taon na pangungunahan ni Pokwang kasama sina Pooh, Chokoleit at K Brosas sa April 19, 20, 26 and 27 titled “4 Da Vote” sa Music Museum at 8 p.m. sa direksyon ni Andrew de Real.

Mabibili na ang ticket sa mga SM Tickets at Ticketworld.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: