Skip to content

CHIZ niregaluhan si HEART ng TRAILER VAN at RELO, umabot sa P5-M ang ginastos?

April 13, 2013

chiz escuderoNagagamit sa politika ang relasyon ni Heart Evangelista kay Sen. Chiz Escudero, ha.

Last Wednesday night, on our way to Manila na ang coaster na sinasakyan namin ng mga kasahaman namin sa panulat galing sa three day trip to Albay to cover the month long Daragang Magayon Festival organized by Albay Gov. Joey Salceda, ibinabalita sa radio na isang relo worth P5 million at isang mamahaling trailer van ang regalo ni  Chiz sa girlfriend na si Heart kaya react violently ang ilang press na nakarinig sa balita.

Parang hindi naman daw tama na nagreregalo ng ganoon ang senator na nanggaling sa may pinakamahirap na distrito ng Pilipinas.

Mabuti na lang at tinama agad ni Heart ang balitang ito in promotion with the finale week of her GMA Afternoon Prime Forever with Geoff Eigenmann.

Sagot ni Heart sa issue, walang mamahaling relo or trailer na nireregalo sa kanya ng kanyang senator boyfriend.

Dahil nagta-top three nga si Sen. Chiz consistently sa survey, it seems na ngayon na naglalabasan ang mga demolition news against him at nadadamay na rin ang kaniang showbiz girlfriend. For one thing, sa pagkakaalam nga namin since he became a senator of the country, never tumanggap ng pork barrel si Chiz at kung magregalo man siya ng P5 million worth of watch and a trailer to Heart, personal money niya naman ito at hindi kinuha sa kaban ng gobyerno.

Kaya kung kami kay Heart, expect more demolition job against her and Chiz bago mag-election.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: