Skip to content

Bunganga ni ANGELICA ang sarap silihan; JANICE mahilig bumuhay ng mga bangkay

April 13, 2013

angelica panganibanWala raw pinagkaiba, pareho ng mga kadramahan sa buhay

Sa isang umpukan ng mga taga-showbiz ay natutukan sa kuwentuhan ang dalawang artistang sa pakiramdam ng magkakaharap ay nabubuhay sa nakaraan.

Wala silang tigil sa kababato ng kung ano-anong masasakit na salita tungkol sa kanilang mga ex.

Sina Janice de Belen at Angelica Panganiban.

Ang dalawang aktres na ito ay palaging nasa gitna ng giyera sa panahon ng pang-aaway sa mga nakaraan nilang karelasyon, para bang wala man lang silang magandang pinagsamahan ng mga taong nakasalo nila sa kaligayahan, minsan sa isang panahon.

Komento ng isang nandu’n, “Ang mga luka-lukang ‘yun, kung makapamintas naman ng mga ex nila, e, parang napaka-perfect naman nila!

Wala na silang ginagawa kundi ang siraan ang ex nila, magsama nga silang dalawa!”Gasgas na kung tutuusin ang mga hindi kagandahang salita ni Janice laban kay John Estrada, pabalik-balik na lang ‘yun kung susumahin, pero nananakit pa rin sa kalooban ng ama ng kanyang mga anak.Hindi nagrereklamo ang mga anak nina John at Janice, ang aktres lang ang salita nang salita, binuhay na naman niya ang mga bangkay ng nakaraan nila ni John Estrada.

May kakabog pa ba naman sa walang kapahi-pahingang dila ni Angelica Panganiban sa kapapansin nito kay Derek Ramsay?

Masarap silihan ang bibig ng young actress para makaramdam naman ito ng init, para matikman din ng dalaga kung paano mapahiya, mabuti na lang at edukado ang hunk actor para pumatol sa mga ugaling ewan.

“Paano na ang mga coverage ng mga bakasyon nila ni Derek nu’n sa iba-ibang bansa?

Super-saya silang dalawa sa mga pictures, parang wala nang hahanapin pa si Angelica sa sobrang happiness niya, tapos ngayon, e, sasabihin niya na hindi masarap magmahal ang ex niya, walang pakiramdam at maramot sa pagmamahal?

“Magtigil nga ang babaeng ‘yun na meron nang bagong karelasyon, e, kung bakit ang past pa rin niya ang inatupag na balik-balikan!

Mas nararamdaman tuloy ni Derek na hindi siya magawang kalimutan ng ex niyang super-daldal!” pagtatapos ng aming source.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: