Skip to content

Matandang mayaman na manliligaw daw ni KRIS mula sa PARIS ilusyon lang?

April 10, 2013

kris aquinoSa loob lang ng 2 linggong bakasyon may nabingwit agad na lalaki

MAY paiyak-iyak pa si Kris Aquino nu’ng lumabas sa TV before she and her children left for Europe recently pero pagbalik niya ng bansa, parang wala lang nangyari sa kanya.

As if nothing happened dahil buong ningning siyang nakitang masaya sa kanyang morning show at nagkuwento pa tungkol sa isang nakilalang matandang lalaki (a little over 60 years old na raw ang edad ng guy) na na-meet niya sa France at pasado raw kay Bimby ang matandang mayaman.

In fact, papasyal daw ang matandang lalaki rito at magpapatayo ng mga buildings kaya excited daw ang taklesang TV host dahil marami na naman daw mga kababayan natin ang mabibigyan ng trabaho.

Ha-hahaha! Ang kadyundian talaga ni Kristeta ay kakaiba.

Siya lang talaga at nagdagdag pa ng pa-advocacy echos na marami daw mga kababayan natin ang mabibigyan ng trabaho dahil nga magtatayo raw dito ng negosyo ang nasabing matanda. Ni hindi nga natin alam kung nanliligaw nga ito sa kanya, baka ilusyon lang ito ni Kris.

Diyos me! Two weeks lang siyang nagbakasyon abroad may nagkakagusto na agad sa kanya.

At sinabi pang nakapasa raw ito kay Bimby.

Paano niya kaya nasabing aprubado ni Bimby ang guy?

Meaning, nagha-heart-to-heart talk sila ng kanyang 5 year-old son regarding this man?

Ayan ka na naman Kris, inilalagay mo na naman ang anak mo sa alanganin.

Para sabihin mong pasado kay Bimby ang matandang manliligaw mo (kung nanliligaw nga or baka ilusyon lang), ibig sabihin nai-discuss niya kay Bimby ang scenario of a possible relationship with an old man na puwedeng lolo na ng anak niya?

Nakakaloka si Kris. Kakaiba talaga ang babaeng ito.

How can she be that proud para ikuwento pa ang bagay na ito.

“Kaya ako? Wala talaga akong tiwala sa babaeng iyan.

Imagine, bago siya umalis, parang sinakluban kuno siya ng langit dahil sa isyu sa kanila ni James Yap pero pagbalik niya after two weeks ay parang wala lang sa kaya.

Kaya naniniwala akong acting lang nilang mag-anak ang pag-iyak-iyak niya sa TV.

“Natsi-cheapan ako sa drama ni Kriso.

Palagi na lang niyang sinasangkalan si Bimby.

Nanliliit ako tuwing napapanood ko siyang nagsasalita na wari mo’y walang nangyari, ” anang isang kakilala naming very observant sa mga drama ni Kris sa buhay.

“May AD-HD ba ang babaeng iyan?

She’s really one of a kind.

There are times na extremely happy siya for no reason ,there are times namang parang gulung-gulo siya sa buhay though napakababaw naman ang mga dahilan.

Nakakatakot ang mga eksena ni Kris.

Lalo na ngayong naging pangulo ng bansa natin ang kuya niya, lalong lumakas ang loob ng pagbaliw-baliwan niya.

“Pati sa exposures, siya na lang palagi ang napapanood natin sa TV.

Lahat ng shows nandoon siya, lahat ng commercials ay siya na lang.

Ano ba naman iyan? Parang gusto na niyang sakupin ang lahat.

Kakaiba siya talagang nilalang! ” pahabol pa ng kausap natin.

Are you asking me? Di ko alam, inay.

Basta ang alam ko, magaling siyang publicist of herself.

Pag matunog siya, echos na tatahi-tahimik siya pero pag naramdaman niyang hindi na siya pinag-uusapan, tiyak na gagawa na siya ng gimik para nasa headline na naman siya the next day.

Parang hindi siya napapagod sa ganoong sistema.

Hindi mo naman puwedeng sabihing kulang siya sa pansin, pero parang ganoon nga kung susuriin mo.

Kahit nu’ng friends pa kami, may mga times na super sweet siya and very fond of you pero may time na parang muhing-muhi siya sa iyo for no reason.

Is this a normal thing na ba sa family nila?

Kasi nga, parang hindi naman siya sinasaway ng kuya niyang pangulo, parang okay lang din sa mga darling sisters niya?

Kungsabagay, ang kuya niya ay may pagkataklesa rin like Kris.

Kita mo nga, kung aaway-awayin at insultuhin ang mga hindi niya kaalyado ay ganoon na lang.

Napaka-insensitive din at times like Kris. Baka ganoon talaga sila?

Kris is a very interesting subject to many of us, may sariling mundo.

Very generous din ang babaeng iyan sa mga taong gusto lang niya pero pag di ka niya feel, pasimpleng pang-aalipusta ang aabutin mo.

Kailangang nasa level ka niya to become her best friend.

Ask around.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: